Bitoy sa bagong Pepito Manaloto: Maaaring iba na ang ‘ulam’ pero ‘kanin’ pa rin ang katapat

 

 

SIGURADONG mapupuno ng good vibes ang Sabado ng Kapuso viewers dahil sa comeback episode ng Pepito Manaloto.

 

Para pasalamatan ang loyal fans ng family-oriented program, handog nina Michael V., Manilyn Reynes, John Feir, Maureen Larrazabal, Arthur Solinap, Mosang, Mikoy Morales, Janna Dominguez, at Ronnie Henares ang isang masayang episode na may “kamustahan” segment at games.

 

Ibabahagi rin ni Bitoy ang naging experience niya bilang survivor ng COVID-19 para magbigay ng inspirasyon at pag-asa sa mga manonood.

 

“The cast and I are all very excited! We have a lot of quarantine stories we would love to share with our audience,” sabi ng Creative Director at Concept Creator ng show na si Bitoy.

“This Saturday’s episode is a good way to start the new normal for our show,” aniya pa.

 

Sabi pa ng multi-awarded comedian sa new normal ng pagbabalik nila sa trabaho, “Shooting from home is a very different experience. There’s a lot of discipline involved. You gain a new appreciation for the crew during times like these.”

 

Pangako pa ng Kapuso comedian, “Makakaasa ang mga Kapuso natin na hindi mawawala ang signature Pepito humor sa upcoming episodes.

 

Maaaring iba na ang ‘ulam’ pero ‘kanin’ pa rin ang katapat.”

Mapapanood pa rin ang “Pepito Manaloto: Ang Tunay na Kuwento” tuwing Saturday, after 24 Oras Weekend sa GMA.

* * *

Proud ang batikang aktres na si Glydel Mercado na mapabilang sa mga artistang bibida sa “Winner September” line-up ng Kapuso program na “Wish Ko Lang.”

Apat na mas pinalaki at mas pinatinding mga episode kasi ang dapat abangan ngayong buwan kung saan tampok bawat Sabado ang kuwento ng matatapang at mapagmahal na mga kababaihan.

Unang mapapanuod ngayong Sept. 5 ang “Nalunod” episode na pagbibidahan ni Gyldel kasama sina Allen Dizon at Teri Malvar.

Si Glydel ang gaganap sa isang inang gagawin ang lahat upang mailigtas ang mga anak na inanod ng baha.

“I am honored and privileged that they chose me to be part of this episode,” say ni Glydel na aminadong nanibago rin sa paggawa ng naturang episode dahil na rin sa mga ipinatutupad ngayong safety protocols.

Mabigat ang role na ginampanan dito ni Glydel lalo na’t nangyari ang trahedya sa gitna ng kinakaharap nating pandemya.

Bilang isang ina at babae, ano nga ba ang maipapayo ni Glydel sa mga kagaya ni Liza na humaharap sa ganitong dagok sa uhay? “Just don’t lose hope and always trust God, for he will not give you trials that you cannot overcome.”

 

 

 

 

Read more...