WALA nang galit at poot ngayon sa puso ni Sunshine Cruz dahil napatawad na niya ang mga taong nanakit sa kanya noon.
Obviously, super happy na ngayon ang Kapamilya actress sa takbo ng kanyang showbiz career at personal na buhay. Sa gitna nga ng pandemya ay patuloy pa rin ang pagdating ng blessings sa buhay niya.
Tulad na nga lang ng seryeng “Love Thy Woman” na talagang sinubaybayan ng madlang pipol mula nang magsimula hanggang ngayong malapit na itong magtapos.
Sa ginanap na farewell virtual mediacon ng “LTW” kahapon, natanong namin si Shine kung ano ang maipapayo niya sa mga other woman at sa mga legal wife na nakaka-relate sa kuwento ng nasabing Kapamilya series.
“Bilang marami na rin akong na-experience na ganyan, masarap iyong feeling na marunong ka magpatawad,” simulang pahayag ng ex-wife ni Cesar Montano.
“For the other woman naman, it’s never to late na magbago. Puwede naman tayo magkaroon ng pangalawang pagkakataon.
“Puwede naman tayo pumili ng mas tama para sa buhay natin na hindi tayo nakakasakit sa ating kapwa. It is never too late to change. Habang may buhay, may pag-asa.
“Para naman sa mga asawa, para sa akin, ako kasi I can honestly say, kapag lumapit sa akin yung mga nakasakit sa akin noon, baka yakapin ko pa sila at patatawarin.
“Kasi kung hindi dahil sa kanila, sa mga nangyari, hindi magiging ganito ang buhay ko. So forgiveness talaga ang importante para mas masaya ang buhay para magkaroon tayo ng kapayapaan sa puso at sa isip,” tuluy-tuloy pang sagot ni Sunshine.
Sa ngayon, masaya na ang buhay ng aktres sa piling ni Macky Mathay na super supportive sa lahat ng ginagawa niya. Ito rin ang tumatayong pangalawang ama sa mga anak nila ni Cesar.
* * *
Samantala, magkakasukatan na ng husay sa utakan at talas ng pakiramdam ang kababaihan ng “Love Thy Woman” sa patuloy na banggaan nina Kim Chiu, Yam Concepcion, Eula Valdes, Sunshine Cruz, at Ruffa Gutierrez para sa kayamanan at hustisya sa huling dalawang linggo ng serye sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live.
Patuloy na magbibintangan at maglalaglagan ang mga pamilya ni Adam (Christopher de Leon) sa paglabas ng mga kasagutan sa likod ng pagkamatay at iniwan niyang yaman.
Tuluyan na ngang naipit sa krimen si Lucy (Eula) dahil sa akusasyon ni Amanda (Ruffa) na siya ang tunay na maysala. Kahit pa magkaagaw sa yaman, hindi kumbinsido sina Kai (Sunshine) at Jia (Kim) na magagawa ito ni Lucy, kaya’t mamanmanan nina Jia at David (Xian Lim) ang mga galaw ni Gab (Karl Gabriel) para tumulong sa imbestigasyon.
Lalo namang titindi ang iringan sa pagitan ng dalawang pamilyang Wong dahil sa pag-aagawan nina Jia at Dana (Yam) kina David at Michael. Sa lungkot ni Dana sa pagkakulong ng kanyang ina, lalapit ito kay David, na mas pipiliin namang tulungan si Jia kaysa sa puntahan ang kanyang dating asawa.
Dahil naman sa galit at selos, pilit na babawiin ni Dana ang kanyang inampong anak na si Michael.
Si Lucy nga ba ang pumaslang sa asawa niya? Sino sa limang babae ang tunay na may karaparatan sa kayamanan ni Adam? Kanino kina Jia at Dana mapupunta ang pinakamamahal nilang sina David at Michael?
Alamin kung sino ang “the last woman standing” sa “Love Thy Woman,” Lunes hanggang Biyernes, 2:30 p.m., sa Kapamilya Online Live sa Facebook page at YouTube ng ABS-CBN Entertainment, at sa cable at satellite TV sa Kapamilya Channel (SkyCable channel 8 SD and 167 HD, Cablelink channel 8, GSat Direct TV channel 22, and PCTA-member cable operators).
Mapapanood naman ang livestreaming ng Kapamilya Channel at mapapanood ang mga programa nito sa iWant app at sa iwant.