Gumawa kasi ng bagong cover si Sandara para sa kantang “Like A Dream” na original soundtrack ng 2016 hit Korean Drama na “Another Miss Oh.”
“Soothing” ang rendition ni Dara sa original song ni Lee Eun-young o mas kilalang Ben at talagang ang gaganda ng reviews ng mga nakarinig na nito.
Ayon sa netizens, perfect ang pagkakaawit ni Sandara dahil damang-dama ang emosyon nito na totoo naman dahil napakinggan din namin ito at sigurado kami na may makukuhang award ang Korean singer-actresss sa mga susunod na music awards sa Korea.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento mula sa kanyang fans at supporters sa social media.
“Dara unnie’s voice is full of emotions, and this kind of voice is rare to find in other’s voice but Dara’s voice hits your heart. l felt every word [that] came out.”
“Such a lovely voice. I remember the time during her stay with P.O and SeHo when her only dream was to be back on stage again. She is really one of the most dedicated, talented, and beautiful artists out there.”
At dahil ikinumpara ng ibang netizens si Dara sa mga bagong idol ngayon ay nag-react ang mga supporter niya na sinasabing hindi raw dapat nagko-compare.
“I hate people comparing her with today’s idols and bashing her for being outdated. She is still gorgeous and looks so, so young. I absolutely love and respect her. I hope she gets more recognition for this,” sabi ng isang fan.
Oo nga, edad 35 na si Sandara pero hindi mo mababanaag na ‘yan na ang edad niya dahil puwede pa rin siyang ihilera sa sinasabing new idols ngayon sa pagiging baby face ng dalaga.
Samantala, habang sinusulat namin ang balitang ito ay umabot na sa 194,543 views ang music video na ipinost ng dalaga sa kanyang Dara TV YouTube channel sa loob langvng dalawang araw.
Sa kasalukuyan ay napapanood sa Netflix ang Korean drama series na “Another Miss Oh” na umere sa tvN noong 2016 na pinagbidahan nina Eric Mun, Seo Hyun-jin at Jeon Hye-bin.
Umabot sa 20 episodes ang nasabing K-drama kaya ang ibig sabihin ay super nag-hit ito sa Korea.