Sa pagtatapos ng Love Thy Woman ng KimXi: Bibigyan namin kayo ng pasabog na ending! | Bandera

Sa pagtatapos ng Love Thy Woman ng KimXi: Bibigyan namin kayo ng pasabog na ending!

Ervin Santiago - September 02, 2020 - 05:59 PM

SA kabila ng pakiusap at panawagan ng Kapamilya viewers na i-extend pa ang serye nina Kim Chiu at Xian Lim na “Love Thy Woman”, tuloy na nga ang nalalapit na pagtatapos nito.

Nangako naman ang cast at buong produksyon sa manonood na isang hindi malilimutang ending ang ibibigay nila sa pamamaalam ng programa.

Ayon sa direktor ng “Love Thy Woman” na si Andoy Ranay, siguradong magmamarka sa madlang pipol ang magiging ending ng kuwentong sinubaybayan ng milyun-milyong Pinoy mula simula hanggang ngayon.

Aniya, talagang pasabog ang aktingan ng bawat karakter sa nalalapit na pagtatapos ng serye at yan daw ang dapat abangan ng viewers.

“Kumbaga nakasanayan na nila. Kasama nila itong buong lockdown hindi ba? Noong ECQ, MECQ, GCQ kasama nila ang ‘Love Thy Woman’ so parang nakasanayan na nila kasama na tuwing hapon ito ang papanoorin nila kaya mami-miss lang nila,” pahayag ng direktor.

“Pero bibigyan po namin kayo ng magandang ending. Huwag po kayong mag-alala,” aniya pa.

Malungkot man dahil malapit na ngang magtapos ang serye, happy pa rin ang buong cast dahil naipagpatuloy pa rin “LTW” sa kabila ng pandemya.

Para sa isa sa mga kontrabida ng serye na si Yam Concepcion, nakakataba ng puso na marami pa rin ang nagre-request na huwag munang tapusin ang kanilang programa.

“That’s very flattering at saka masarap sa pakiramdam ‘yan. Siyempre pinaghirapan namin lahat ng mga eksena, lahat ng mga ilalabas namin na mapanood ng audience. Maganda that they are very into the show. Ang saya,” chika ni Yam.

Dagdag pa niya, “So tingnan natin kung magkaroon ng Book 2, pero parang malabo yata ‘yon. Kahit gusto ko man magkaroon ng Book 2.

“Siguro we just promise, pina-promise namin sa inyo na magiging maganda ‘yung ending. Hindi namin kayo madi-disappoint, ‘yun na lang,” aniya pa.

Tutukan ang nalalapit na pagtatapos ng “Love Thy Woman” at alamin kung ano nga ba ang ipinagmamalaking ending ng produksyon. Kasama rin dito sina Sunshine Cruz, Ruffa Gutierrez, at Eula Valdez.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

Napapanood ang “Love Thy Woman” sa Kapamilya Channel at Kapamilya Online Live pagkatapos ng “It’s Showtime.”

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending