Truth or fake: KC buntis daw, si Piolo ang tatay???

BAKIT ba pinag-iinitan ng netizens si KC Concepcion? Ano bang masamang ginawa ng anak ni Sharon Cuneta sa kanila?

Well, para sa amin ay okay na rin dahil ibig sabihin nagma-matter pa rin si Kristina Cassandra sa publiko hindi katulad ng iba na kahit tumambling na at kung anik-anik na isyu na ang pinaggagawa sa sarili ay wa epek pa rin.

Anyway, ilang araw ng may mga sitsit na buntis daw ngayon ang panganay ni Sharon na ewan naman kung saan nanggaling.

Kasi raw nasa probinsya at malayo sa polusyon si KC na ibig sabihin ay nag-iingat nang todo ang dalaga sa kanyang kalusugan para maging healthy daw ang baby niya. Kaya naman talagang mapapa-“huh” ka na lang.

Panahon ng pandemya ngayon, hindi ba’t tama lang na alagaang mabuti ang sarili at higit sa lahat umiwas sa mga taong toxic.

Pero siyempre nagtanong pa rin kami sa talent management ni KC na Cornerstone tungkol sa isyung buntis ang aktres at ang sagot sa amin, “Hindi ko po alam kung saan nanggagaling.”

At heto pa ang catch, si Piolo Pascual daw ang ama ng ipinagbubuntis ni KC! E, sana nga totoo dahil marami ring may gustong magkabalikan sila at isa na kami roon.

Tawang-tawa naman ang nanay ni KC na si Sharon dahil wala raw siyang alam sa nangyayari. Tinanong din ng netizen ang Megastar kung ikakasal na ang panganay niya kay Piolo.

“Wala akong kaalam-alam. As God is my witness,” sagot ng ina ng dalaga.

Ang dami raw fake news na lumalabas tungkol sa anak, “I do not know what is or has been going on, no one tells me and I don’t ask.”

Samantala, puring-puri ni Sharon ang ex-boyfriend ni KC na naging kaibigan niya at ng buong pamilya dahil sobrang marespeto sa lahat pati ang anak ng aktor na si Inigo ay gusto rin ng TV host-actress dahil malambing na bata.

“I do not and will not have problem with Piolo at all in any area of my life or in our family. I love you PJ. Thank you for your love, respect and friendship. God bless you always,” say ni Shawie kay PJ.

Sa kalagitnaan ng isyu ay wala namang pakialam si KC sa tsikang buntis siya dahil nag-post pa siya na nagsasampay ng kanyang damit na may caption na, “Buhay probinsya. Ano version mo?#KCsSampayChallenge.”
 

 

 

 

 

Read more...