Humiling pa siya ng dasal sa lahat para makayanan nila ang bagong pagsubok na ito sa kanilang buhay at para sa paggaling ng lola niya.
Ikinuwento rin ng aktor na kaya niya naibahagi ang pinagdaraanan niya sa lola niya ay para ipaalam sa lahat ang kahalagahan ng pagsasama-sama ng pamilya habang nabubuhay pa.
At sa katunayan ay inihanda pa ni Xian ang kuwarto ng aguwela niya sa bahay nila dahil ito ang hiling sa kanya.
Pero masaya na ngayon ang aktor dahil nu’ng isang araw ay nag-post na siya ng larawan ng lola niya na nakahiga sa kama at kausap ang kanyang mommy.
Ang caption ng aktor sa kanyang Instagram post, “Thank you to everyone that expressed their concern and included my grandmother in their prayers.
“She’s doing a lot better now. Also, she really doesn’t like staying in one spot. She likes moving around, turning up her radio in full blast and doing crossword puzzles.
“I saw this earlier and it melted my heart. Your parents will take care of you until you are able to be on your own until one day, it will be your turn to return the favor.
“This is a simple gesture of saying thank you for bringing me in this world. This is what we are accustomed to.
“@mommymaryanne in the picture is making sure lola is okay and telling her to keep still while showing her funny videos on her phone. I witnessed her routine today. She is really a super mom.
“When we have each other, we have everything. Good night everyone! Stay safe and stay healthy!” ang pahayag pa ng boyfriend ni Kim Chiu.
Nakakatuwang basahin ang mga mensahe sa IG post ni Xian dahil pinupuri siya at napakasuwerte rin ng lola ng aktor sa kanya bilang apo at sa mommy niya bilang anak.
Kung magkakatuluyan sina Xian at Kim masuwerte sila sa isa’t isa dahil pareho silang close sa kani-kanilang pamilya kaya asahan na natin na maganda ang pagpapalaki nila sa kanilang magiging mga anak at may respeto sa lahat.