Joshua gusto nang ‘makipag-ayos’ kay Gerald: Tinext ko siya pero hindi pa nagre-reply

 

 

MUKHANG hindi pa ready ang Kapamilya hunk actor na si Gerald Anderson na makipag-usap kay Joshua Garcia.

Ito’y matapos ngang aminin ni Joshua na gusto niyang magkaroon sila ng no-holds barred conversation ni Gerald matapos ang kinasangkutan nilang kontrobersyal ilang buwan na ang nakararaan.

Kung matatandaan, naging “national issue” last year ang pagkaka-link ng ex-girlfriend niyang si Julia Barretto kay Gerald.

Si Julia kasi ang itinuturong third party sa paghihiway nina Gerald at Bea Alonzo. Parehong idinenay nina Julia at Gerald ang chika pero maraming hindi naniwala sa kanila.

Dahil dito, nagkaroon din ng issue sa pagitan nina Joshua at Gerald kaya ang nais sana ng una ay magkausap sila ng ex-dyowa ni Bea para magkalinawan na at maayos na ang lahat.

Kaya nang tanungin kung papipiliin si Joshua ng isang tao na nais niyang makausap ngayon, “Siguro si Kuya Gerald, pero hindi online. Hindi ko kailangang i-online.

“Kasi na-realize ko noong quarantine, nu’ng nag-lockdown, ang hirap, eh ang liit ng industriya namin di ba? Ang hirap ng may ka-awkward-an,” pahayag ng binata sa panayam ng Cinemanews At Home.

Ani Joshua, tinext na raw niya si Gerald pero hindi pa raw ito nagre-reply kaya hindi niya alam kung paano niya ia-approach uli ang aktor.

“Ang ginawa ko, tinext ko siya, sabi ko, ‘Bro, Joshua ito. Gusto ko lang maging honest, lahat.’ Tinext ko siya ng ganu’n, pero hindi pa siya nagre-reply,” ani Joshua.

Dagdag pa niya, “Para ma-clear lang ‘yung air sa lahat ng nangyari. Nahihirapan akong gumalaw, parang ganu’n ‘yung feeling.

“‘Yun ‘yung isa sa na-realize ko nu’ng quarantine, nu’ng lockdown. Ang hirap ng may ka-awkward-an ka. Nagka-issue kayo, ganyan.

“I’m being honest lang ha, ako naman wala naman akong kaso sa kanya. Ako, sobrang cool na ako sa kanya. Ako, okay na ako sa kanya,” pahayag pa ng ex-boyfriend ni Julia.

Read more...