Kathryn, Daniel loyal sa ABS-CBN; bibida sa bagong digital series

MAY mga nagtanong sa amin kung bakit walang balita sa mga sikat na loveteam ng ABS-CBN na tumanggap ng offer mula sa ibang TV network.

Partikular nilang binanggit ang KathNiel, LizQuen, KimXi, MayWard at JoshLia, considering na nagsabi na ang Star Magic na pinapayagan na silang gumawa ng project outside ABS-CBN.

Sagot namin ay loyal sila sa Kapamilya network at alam naming hindi sila pababayaan dahil bibigyan pa rin sila ng mga bagong trabaho.

At bilang patunay ay itinuloy pa rin ng ABS-CBN ang teleseryeng “Love Thy Woman” kahit sa gitna ng COVID-19 pandemic na malakas ang views sa YouTube.

Sa katunayan, umaabot sa 500k ang views nito at sa livestream naman ay nakakakuha ito ng 32k live viewers sa bawa’t episode.

Kamakailan nga ay nagpahayag si Kim Chiu na loyal siya sa Kapamilya network at wala siyang balak iwan ito bagay na inalmahan ng talent manager na si Lolit Solis dahil para sa kanya hindi raw dapat nagsasalita ng patapos ang aktres.

Aniya, “Tanggap ko na loyal si Kim Chiu sa Kapamilya, pero parang hindi maganda sabihin na hindi siya magtratrabaho sa ibang outfit o network.

“Huwag natin isara iyon chance na makita at mapanuod pa rin siya ng mga fans niya as long as maganda ang usapan nila ng Kapamilya.

“Napaka talented ni Kim Chiu para mahinto ang career kung sakali at maging inactive ang Kapamilya. Basta ok, loyal ako sa home network ko, but if given a chance to work with other why not di ba?

“Huwag iyon parang sasarhan mo ang pinto mo at sasabihin ayoko magtrabaho sa iba. Si Kim pa na ang daming puwede i-offer sa mga fans, sayang kung hindi mapapanuod di bah?

“Kaya iyon lang, basta kung ano mangyari, sure na tuloy parin ang career ni Kim, kahit saan at kung anuman ang magandang iaalok.”

Anyway, isa pang nagpahayag ng loyalty nila sa ABS-CBN ay ang KathNiel at hindi rin naman sila magsisisi dahil may nakaabang silang project sa Star Cinema na hinihintay lang maayos ang lahat.

Sasabak na rin sa digital series sina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo base na rin sa pahayag ng dalaga sa panayam sa kanya ng isang online site.

“May inaayos kami actually na digital project under ABS. ‘Yun yung gagawin namin. Mag-start na kami, sa September ite-tape ‘yung ilang episodes.

“May mga pina-finalize pa kung ano ‘yung magiging plans for the movie kasi na-cancel siya because of COVID, kasi nga out of the country ‘yun and parang hindi magandang timing ngayon to make a movie. So basically, ‘yun palang sitcom,” sabi ni Kathryn.

Read more...