AKALAIN mo, hindi pala marunong mangusina si Enchong Dee pero nakapagpatayo siya ng ilang branch ng Peri-Peri Charcoal Chicken.
Bukod sa pinansyal na aspeto ng pagnenegosyo ang isa pa sa naging puhunan niya ay ang hilig niyang kumain at alam niya kung ano ang masarap at hindi.
Nabuking na walang alam ang aktor nu’ng sinubukan niyang magluto ng steak kasama ang BFF niyang si Erich Gonzales sa bahay ng huli na ipinost sa EnRich Originals YouTube channel.
Ang kuwento ni Erich ay muling nag-request ang binata ng steak dahil nasarapan siya sa niluto ng una noong nag-meeting sila para sa plano nilang digital series na ipalalabas sa kanilang YT.
At heto na nga nasa bakuran sila ng bahay ni Erich at nakahanda na ang malaking ihawan at hinayaan niya si Enchong na magtimpla ng steak.
Sabi ng aktor, “Sabi niya (Erich) ako ang magluto, e, wala akong kaalam-alam sa pagluluto kaya sabi ko kahit salt, pepper and butter okay na.”
Hirit naman ng dalaga, “Sabi niya (Enchong), so titimplahan na natin ng sugar and pepper, why not, no judging.”
At ang unang ginawa ng binata ay pinahiran niya ng maraming butter ang steak. “Sure ka?” tanong ng aktres na sinagot naman ng “hindi” ng aktor.
Dagdag pa ni Erich, “Guys, ito ang Enchong Dee’s Steak version.” “Dee version,” mabilis na sabi naman ng aktor.
At dahil naparami ang butter sabi ni Erich, “Wow, pa-maruya ka na, maruya na ‘yan, ang daming butter.”
“Actually sansrival po kasi ito,” say naman ng binata.
Dahil sobrang init ay hinubad ni Enchong ang kanyang shirt na inalalayan ni Erich at kunwari ay nginangasab-ngasab siya ng dalaga.
Anyway, tinanong ni Enchong si Erich kung ano ang masarap sa salitang Bisaya na sinagot ng dalaga ng “lami.” At biglang tumingin ang binata sabay sabing, “Ka-lami” (sabay laro ng dila niya) na ikinatawa ng kaibigan at sabay suntok sa braso.
Sa salitang Bikol ay “masiram” naman ang sabi ni Enchong at sabay sabi kay Erich na gawin din ang ginawa niyang paglalaro ng dila.
Two minutes lang niluto ng binata ang kanyang steak dahil gusto niya juicy pa rin habang pinalutong namang mabuti ng aktres ang kanya.
May ipinost ang dalawa sa TY na lumang interview na inuungutan sila ng kanilang supporters na mag-kiss dahil balik tambalan sila.
Hinalikan naman ni Enchong si Erich at kinilig naman ang aktres at ng siya na akmang hahalik sabi niya, “Marupok ako ngayon.” Pero pinigilan siya ng aktor at nag-dialogue ng, “no love life muna, let all the pieces fall into place.”