TOTOO kaya ang sinabi ng aktres na si Alessandra de Rossi na P18,000 na lang ang pera niya?
“‘Yung bank account ko right now is pabankrupt na. I only had P18,000 in my account, let’s be… fair,” aniya sa isang panayam.
“Tapos, mayroon pala akong unpaid na mga tinrabaho na nagbayad,” sabi pa niya.
Ang daming nag-react sa pahayag na ito ng dalaga at isa na nga ang talent manager na si Lolit Solis. Ipinost niya sa kanyang Instagram account ang magandang larawan ni Alessandra.
Ang caption ni Nay Lolit, “Kaloka iyon sinabi ni Alex de Rossi na 18K na lang ang pera niya. Hindi kaya nagkamali, baka 180K pala? Kasi paano naman magiging 18K na lang ang pera ng isang Alex de Rossi na marami naman nagawang pelikula at TV series?
“Maliban na lang kung nagkagasta siya ng malaki at nasimot ang pera niya. Kasi hindi naman kataka-taka lalo pa nga ngayon na walang pumapasok na income dahil sa stop taping at shooting, at kung malaki ang cost of living mo, tiyak nga masisimot ka.
“Pero saan ka dadalhin ngayon ng 18K? Grabe ha, pambayad ilaw, tubig, cable, telepono, gas, pagkain, hanggang saan iyan? Baka nga 180K medyo malayo layo pa ang mapupuntahan, pero 18K, naku mahirap ha.”
May mga payo naman ang IG followers ng talent manager kay Alessandra.
Ayon kay @__missjap39, “Well mga tindero nga sa palengke nakaka-survive kahit ang kita lang, e, P150 a day. S’ya pa kaya may 18k. Ipuhunan na n’ya ng gulay or mag tinda-tinda ng BBQ chicken sa harap ng bahay paiiralin mo pa ba pride mo kaysa sa kangkungan ka tumira?”
Mula naman kay @ jazziemarieshows, “Hindi din naman kasi naging tuloy-tuloy ang work ni Alex eh. saka baka hndi naman ganun kalaki ang talent fee n’ya wala namand din s’yang side rocket like commercials or guesting kaya hndi impossible ‘yan pero nawa me mga investments sya.”
Hirit ni @Mimigabila, “Meron naman s’yang talbos ng kamote na tanim sa gilid ng bahay n’ya at maraming ayuda sya natanggap, nasa post n’ya sa Instagram.”
At posibleng naubos na ang ipon ng aktres dahil nu’ng nagkasakit ang kanyang ama ay siya ang sumagot.
Samantala, nilinaw naman agad ni Alessandra ang naging statement niya tungkol sa P18k na lang ang pera niya.
Tweet ng aktres, “Classic din ako you know. I will not get anything from lying.
“Malalaki diff ng HAVE at HAD. But sige! Dun ako sa HAVE! Pagod na ‘ko saluhin lahat ng naoospital. HAVE! HAVE ang sinabi ko.
“Sayang lang! ‘Di nagets yung goodness of the message. Minsan kailangan natin makinig nang mabuti sa sinasabi ng iba bago tayo mag form ng sariling opinion.
“Credibility ko yan. I don’t LIE and I’m always CANDID, because I won’t get anything from dishonesty. 36 pa lang ako, pero alam ko na po yun since natututo akong magsalita,” aniya pa.
Sa ganang amin ay posibleng totoo nga ang sabi ni Alessandra dahil hindi naman siya katulad ng ibang artista na tanggap nang tanggap kapag may offer, medyo maselan siya at namimili ng project na karamihan ay indie movies pa, e, hindi naman kalakihan ang bayad din sa kanya roon.
Bukod dito ay sinubukan niyang mag-produce ng pelikula hindi lang namin alam kung nabawi niya ang puhunan niya dahil hindi naman malakas sa takilya ang mga ito.
Malakas sa Netflix ang “Through Night and Day” movie nila ni Paolo Contis kaso hindi naman siya kasama bilang producer kaya wala siyang share nu’ng nabenta ito ng Viva Films, Mavx Production at Octoarts Films.