#SANA all! Yan ang nagkakaisang comment ng fans at social media followers ni Rachelle Ann Go matapos mapanood ang kanyang bonggang pa-house tour.
Bilang bahagi ng kanyang birthday celebration kahapon, inilabas ng Kapuso singer at international theatre diva ang kauna-unahan niyang vlog sa YouTube.
Dito, ipinakita niya sa publiko ang ilang bahagi ng napakagandang bahay nila ng asawang si Martin Spies sa London.
“In this channel you will see everything, from my marriage to cooking, cleaning, mga DIY natin, mga interior designing. Ano pa ba, faith and love. Basically, anything under the sun,” simulang pahayag ni Rachelle Ann sa kanyang vlog.
Habang nagkukuwento ang singer tungkol sa ginawa nilang house hunting sa London, biglang dumating ang kanyang asawa.
“Okay, the husband is here. Hi husband! Ito namang si husband darating in the middle of the shooting,” pagbibirong chika ni Rachelle.
Sigurado namang kinilig ang kanyang subscribers nang ibigay ni Martin sa kanya ang isang bag ng donut bilang pasalubong.
Sa pagpapatuloy ni Rachelle, sinabi nitong nagdesisyon siyang pasukin na rin ang pagba-vlog para may iba naman siyang ginagawa sa bahay.
“Ngayon lang talaga ako nagkaoras dahil wala na akong ginawa sa bahay kung ‘di kumain, matulog at magluto so might as well shoot and spread the love out there,” chika niya.
“I know a lot of you guys have been requesting for a house tour and we are so excited to share with you our little cozy home.
“But before showing you this place, gusto muna naming balikan ‘yung mga moments na pinagdaanan namin ni Martin nu’ng nag-house viewing pa lang kami,” aniya pa.
Natagalan daw ang paghahanap nila ng bahay dahil gusto nilang sulitin ang budget nila lalo pa’t ang mamahal talaga ng mga bahay sa London.
“Talagang naghanap kami ng pasok sa budget and something that is cute and cozy.
“Gusto namin kapag may bumisita sa amin dito, we want them to feel relaxed and chill.
“Parang retreat house. We want to show you guys some of the properties that we fell in love with,” pahayag pa ng Kapuso star.
“It probably took us six months to get the keys pero worth it. Ang sarap ng feeling na nagkatotoo ‘yung dream namin to have a home here in London. You know, anything is possible guys if you just have faith,” pahayag pa ni Rachelle Ann.