Global cases ng COVID-19, nasa 25.6 milyon na

World Health Organization (WHO) covid coronavirus

Photo: World Health Organization

Umabot na sa mahigit 25.6 milyon ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.

Batay sa pinakahuling datos ng World Health Organization tanghali ng Martes ay 25,620,737 na ang global cases ng COVID-19.

Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 237,000 na bagong kaso sa magdamag.

Ang US ay nakapagtala ng mahigit 37,000 na dagdag na mga kaso.

Mahigit 48,000 ang dagdag sa kaso ng Brazil habang mahigit 68,000 ang bagong kaso na naitala sa India.

Nakapasok na rin ang Argentina sa top 10 ng mga bansang may pinakamaraming kaso. Ito ay matapos maungusan na ng Latin American country ang bilang ng mga kaso sa Chile.

Narito ang datos ng COVID-19 sa mga bansang may pinakamaraming kaso:

Read more...