PANALO ang hirit ng award-winning OPM singer-songwriter na si Gloc-9 tungkol sa pagiging mapagkumbaba.
Umani ng sandamakmak na likes at positibong komento ang naging status sa Facebook ng Pinoy rapper na may konek sa pagkakaroon ng talent at pagiging humble.
Hugot ni Gloc-9 o Aristotle Pollisco sa tunay na buhay, “NEVER let your swag overshadow your talent.”
Dugtong pa niya, “Ang sobrang galing na mayabang ay MAYABANG pero ang sobrang galing na hindi mayabang ay SOBRANG GALING.”
Narito ang ilang comments ng FB followers ni Gloc-9 sa kanyang mga hugot.
“Uplift one another. Kung alam mong may lamang ka sa iba, gamitin mo ito para makatulong sa kanila. That’s why I salute you Sir Gloc!”
“Idol! LABYU! Maging gulong man ang buhay mo, huwag mo paring kakalimutang ngumiti at pangitiin ang mga taong nakapalibot at sumusuporta sayo.”
“Kanya kanya lang yan idol, pag walang madaling maghusga walang problema. Iba iba kc ng ugali at kinalakihan idol. May mga tao po kc na hnd pa nahahanap ang kasiyahan sa buhay kaya wag po natin husgahan kung sila ay mayabang.”
“Sir gloc-9, minsan wala nmn pagyayabang pero kala mo si eminem kung umasta. minsan nmn, may mga magagaling n hindi nmn nagyayabang pero dun sa mga nakakikita sa kanila n haters pinipilit n mayabang sila.”
“Kapag may nakita sila n gawin k n di karaniwan o may bagay n mas magaling k sakanila yabang n daw yun.”
“Sir gloc 9 idol magaling kapo at hinde pa mayabang, pangarap Kong makita ka sa personal at makapag pic. Manlang , Mula po Bata pa ako mga songs mulang pinapakingan ko. Solid gloc9.”
Kung matatandaan, nag-trending din si Gloc-9 kamakailan nang bumandera ang balitang pinasok na rin niya ang online food business para dagdag kita ngayong panahon ng pandemya.
Aniya, walang masama sa pagbebenta ng mga produkto online dahil ito ay marangal na negosyo. Dahil dito, mas marami pa ang humanga sa kanya
Inamin pa ng rapper na bago siya napasok sa showbiz ay naging tagalinis siya ng basurahan, kubeta, at kanal.