Sarah sa mga nega: Ano’ng makukuha natin ‘pag binash pa natin ang isa’t isa?

 

BUKOD sa maraming Pinoy ang matutulungan, siguradong libu-libo rin ang na-inspire at kinilig sa first online charity concert together nina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Talagang tinutukan ng mga Popsters at AshMatt fans ang nasabing musical show kahapon kung saan pinatunayan ng mag-asawa ang kanilang magic at powers sa “concert stage.”

Ayon kay Matteo, bukod nga sa adhikain nilang makalikom ng tulong para sa mga kababayan nating nawalan ng kabuhayan ngayong panahon ng pandemya, nais din nilang magpasabog ng good vibes at inspirasyon sa madlang pipol.

“This is an incredible evening. That’s the whole point of the show. We want to spread the love, give love, and be loved. I think we need more of this eh.

“We need to just block all the negativity and just be positive for the whole world. It’s not just about us but it’s about the whole country as one,” pahayag ng singer-actor.

Pinasalamatan din niya si Sarah sa lahat ng life lessons na natutunan niya mula nang sila’y maging mag-asawa.

“You’ve taught me so much about being selfless and just seeing the positive side of everybody. Ikaw ang champion diyan eh,” sey pa ni Matteo.

Samantala, sa isang bahagi ng online concert ng AshMatt, tinawag ni Sarah si Matteo na “My best friend, my husband” sabay pasalamat sa pagiging understanding at supportive na mister.

Nagbigay din siya ng mensahe para sa lahat ng mga taong walang ginawa kundi ang mangnega at manakit ng kapwa.

“Sa panahon ngayon parang wala ng dahilan para magmalaki, di ba? It’s very important that we remain humble and forgiving sa isa’t isa, helpful sa isa’t isa.

“Ano ang makukuha natin pag binash pa natin ang isa’t isa? Inaway pa natin ang isa’t isa?

“Dapat ang inaatupag natin ay ano ba ang paraan para matulungan natin ang isa’t isa lalo na sa panahon na meron tayo ngayon di ba?

“Ang wish natin at ng buong mundo ay bumalik na ang lahat sa normal, na maging okay na ang lahat. At habang hindi pa po yun nangyayari, importante na kailangan na magtulungan tayo in our own little way, sa abot ng ating makakaya. That’s why,” mahabang pahayag ni Sarah G.

Sa Instagram account naman ni Matteo, muli itong nag-post ng pasasalamat sa asawa at kay Louie Ocampo na nakasama nila sa concert.

Aniya, “Thank you @louieocampo and my beautiful wife @justsarahgph for always being true and real. Sir Louie thank you for guiding us, supporting us and always being beside us.

“My love, thank you for being you. You inspire me and show me what love really means. Let’s continue to grow and see the world together! #100blessings #sarahmatt

“…Join the gratitude movement for a longer and more loving community.”

Read more...