BINASAG ng veteran singer-composer na si Jim Paredes ang pa-tribute ni Karen Davila kay Ted Failon.
Inakusahan nito ang news anchor-commentator na tagapagpakalat umano ng fake news kaya kinontra niya ang mga papuri rito ni Karen.
Sa kanyang Twitter account, nagbigay ng mensahe si Karen para kay Ted na nakasama niya sa TV Patrol sa loob ng anim na taon.
Ito’y matapos nga ang pamamaalam ni Ted sa mga programa niya sa ABS-CBN pagkatapos ng 30 taon.
Dulot pa rin ito ng retrenchment na ipinatupad ng Kapamilya network matapos ibasura ng Kongreso ang franchise application ng istasyon.
Tweet ni Karen, “Nakasama ko si Si Ted Failon ng 6 na taon sa TVPatrol noong 2004-2010.
“Icon sa industriya. Isa sa pinakamagaling at pinakamalalim magkomentaryo sa radyo.
“Saan ka man mapunta Ted, I am praying for your success. God be with you.”
Sa comments section, diretsahang sinalungat ni Jim Paredes na dating miyembro ng APO Hiking Society ang sinabi ni Karen, “He was a spreader of fake news. Sorry Karen. I disagree.”
Walang reply si Karen sa comment ng beteranong singer pero isang netizen ang naghamon sa kanya na maglabas ng ebidensya sa naging akusasyon niya kay Ted. Anito, “Name one fake news he spread.”
Sagot naman agad ni Jim, “He sided with Persida on the issue of dengvaxia. He did not speak out against the manufactured data on deaths her office was touting even when top doctors and experts were contradicting her.”
Ang tinutukoy niya ay ang pagpanig daw ng news anchor kay chief of Public Attorney’s Office (PAO) na si Persida Acosta, sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine noong 2018.
Hirit pa ni Jim, “Because of that, he eroded the trust in vaccines and help spread polio, chicken pox, etc.”
Kung matatandaan, ang PAO ang nag-asikaso sa autopsy ng mga batang namatay umano sa Dengvaxia vaccine na proyekto ni
dating Department of Health Secretary Janette Garin sa ilalim ng Aquino administration.
Hindi pa rin nagpatalo ang kasagutang netizen ni Jim na nagsabing, “Assuming it were true, siding and keeping silent are not spreading fake news.”
Tugon naman sa kanya ni Jim, “He was not silent.” Na sinagot uli ng netizen ng, “Him not speaking out (in your own words) doesnt make him a spreader of fake news.”
Sa puntong ito hindi na sumagot si Jim Paredes na isa sa mga celebrities na kilalang kritiko ni Pangulong Rodrigo Duterte.