Liza muling nagpaka-fangirl; kilig na kilig sa ‘Ice Cream” ni Selena Gomez at Blackpink

 

 

NAGPAKA-FANGIRL na naman ang Kapamilya actress na si Liza Soberano.

Para sa dalaga, bilang isang super fan dream come true ang collaboration ng K-pop girl group na Blackpink at ng American singer na si Selena Gomez.

Last Friday inilabas ng Blackpink ang “Ice Cream,” na isa sa mga track sa album na ilalabas nila ngayong October.

Ani Liza, hindi niya in-expect na posible palang magsama sa isang bonggang project ang kanyang mga idol.

“I’m so excited to hear it and see the visuals of the music video because I am the biggest Blink and Selenator.

“And it’s like a dream come true that they’re finally doing a collaboration,” chika ni Liza sa unang bahagi ng ginawa niyang reaction video para sa kantang “Ice Cream”.

Ang tinutukoy niyang Blink at Selenator ay ang fan club ng Blackpink at ni Selena Gomez.

Kilig na kilig ang girlfriend ni Enrique Gil nang mapanood ang nasabing music video.

“It’s cute. Oh my gosh, Selana was so blooming and beautiful. Blackpink, better than ever as always. I love the song, I love them all. I love the visuals, I love their outfits, everything. Can’t complain, I love the song,” pahayag ng dalaga.

Siyempre, puring-puri rin ni Liza ang Blackpink member na si Lisa dahil sa galing nitong mag-rap.

“I’m getting goosebumps with Lisa. I’m shaking so much,” aniya.

Kung matatandaan, last year talagang sumugod pa ang aktres sa California, USA para lang mapanood ang performance ng Blackpink sa Coachella music festival.

Read more...