“KAPAG sobrang sakit na, natatameme na lang ako.”
Yan ang pag-amin ni KC Concepcion kapag matindi na ang ginagawang pambu-bully sa kanya sa social media.
Ayon sa dalaga, kung noon ay talagang super affected siya sa panglalait sa kanya ng netizens lalo na sa itsura at katawan niya ibang usapan na raw ngayon.
Para kay KC, mas natutunan na raw niya ang mahalin ang sarili at ang mga taong walang sawang sumusuporta at nagtitiwala sa kanya mula noon hanggang ngayon.
“I’m really sensitive to name-calling and I used to really grumble when somebody would name-call me. But these days, not anymore,” simulang pahayag ng singer-actress sa digital show ng transwoman at proud member ng LGBTQIA+ community na si Mela Habijan, ang “3some.”
Sabi ni KC, “I mean, kasama mo ba ako nu’ng may pandemya, nu’ng nag-ECQ tayo at nagkaka-anxiety attack ako? Wala ka doon!
“Nandu’n ka ba nu’ng na-dengue ako sa ospital at gumaling na ako? Wala ka naman doon. Nu’ng na-heartbroken ako, kasama ba kita noon? Wala ka noon.
“So, you don’t have the right to make me feel less than who I work hard to be,” aniya pa.
“The KC you knew is still the KC I am today. I mean, the playfulness is still there, but, I’m a lot more secure and confident about who I am.
“You realize that nobody’s perfect and you just have to be the best version of yourself. You hear that all the time but it really is true.
“As long as you work hard and care for the people around you, you just have to really fight for who you are and not allow somebody to dictate who you are in a negative way,” lahad pa ng anak nina Megastar Sharon Cuneta at Gabby Concepcion.
Sa tanong kung perfect ba talaga ang buhay niya will all her achievements in life, “I think all of us, my family and I, we’re not perfect.
“Hindi naman perfect ‘yung pinagdadaanan namin. Hindi nga lang kami reality show na parang lahat kailangan pag-usapan.
“But nobody is perfect and it’s so important to be yourself. It’s nice to have real and raw moments. At the same time, makikita mo kung gaano ka nag-grow at makikita mo ‘yung mga pagkakamali mo. Marami akong ganu’n.
“Lovelife pa nga lang, nakita na ng lahat and thank God we’re all still good friends. But in my career, in my lovelife, and family life, hindi lang talaga ako ‘yung type na magse-share ng dirty secrets ng lahat-lahat. So sometimes, quiet lang ako kasi I’m very sensitive.
“’Kapag sobrang sakit na, natatameme na lang ako. I can’t speak and I feel speechless sa sobrang hurt na napi-feel ko. Hindi ko ma-express ‘yung nasa mind ko, so kapag tumatahimik ako alam ko na malalim talaga at tagos sa puso.
“So, nobody sees that side but I think that the people who followed me and are with me, they can tell even if I don’t say anything, they know,” tuluy-tuloy na pahayag ng dalaga.
Ang balitang kumakalat ngayon, nagkakamabutihan na raw sina KC at Apl.de.ap ngunit hanggang ngayon ay hindi pa nagsasalita tungkol dito ang dalawa.