TAGUMPAY ang unang major music collaboration for a cause ng mag-asawang Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli na napanood sa Facebook kahapon.
Ito ang nagsilbing donation platform para sa “Share the Love” program ng Landers na patuloy na nagbibigay ng ayuda sa mga naapektuhan ng COVID-19 pandemic.
Naging emosyonal ang celebrity couple sa ilang bahagi ng nasabing online concert lalo na nang mapag-usapan na nila ang tungkol sa patuloy na paghihirap ng mga Pinoy dahil sa epekto ng pandemya.
“I know a lot of our kababayans right now are having a hard time. This is a very difficult time for everybody pero we always try to be positive and be the best version of ourselves all the time,” pahayag ni Matteo.
Kaya naman super thankful siya na kasama at katuwang na niya sa buhay si Sarah nang magsimula ang health crisis at lockdown.
“Thank you very much for being you all the time, and not faking who you are not just to me but to my family and to our friends.
“Sometimes, you always tell me, ‘Love, hindi ako ganyan.’ But I trust in you and in God that you’re learning every single day to be a stronger woman.
“I love you for that because you’re learning about life every single day. You’re becoming a stronger, more independent, bulletproof woman every day.
“I am seeing it from my own eyes. I am very proud of you and I will love you for the rest of my life,” tuluy-tuloy na mensahe ng singer-actor sa kanyang misis.
For her part, aminado ang Popstar Royalty na napakarami niyang natutunan kay Matteo kaya nagpapasalamat din siya rito.
“Yung mga simpleng bagay lang na gina-guide mo ako or ina-assist mo ako whenever I work from home. Ikaw nag-aasikaso ng camera, ng ilaw.
“Grabe yung efforts mo and walang hinihinging kapalit yun every time you do it. You do it out of love, not obligation. Naa-appreciate ko lahat yun kahit hindi ko nasasabi sa ‘yo.
“Alam n’yo po, spoiled ako dito kay Matt. Yung babae, ang role is siya yung nagluluto all the time, siya yung nag-aasikaso sa asawa. Pero baligtad sa amin. Siya yung ganu’n sa maasikaso, ipagluluto ka,” papuri ni Sarah sa kanyang mister.
Sa bandang dulo ng AshMatt concert, napaluha pa si Sarah nang magbigay siya ng mensahe sa mga taong mahalaga sa kanya.
“Our families, we love you. To my daddy, my mama, Ate Cheng, Ate Shine, Gab at sa lahat ng aking my dogs, I love you all so, so, so, so much,” sabi ng award-winning singer-actress.
Ano kaya ang reaksyon dito ni Mommy Divine? Beke nemen…