Netizens naiyak sa message ni Andi kay Philmar; dasal nila sana lalaki na si Baby #3

 

BUNTIS ulit si Andi Eigenmann sa ikalawang anak nila ng partner na si Philmar Alipayo na tubong-Siargao at kilalang surfing champ.

Ito ang inanunsyo ng hindi na aktibong aktres sa kanyang Instagram kagabi, Agosto 30.

Isang larawan ang ipinost ni Andi na naka-red body suit at may hawak na puting daisy na may caption na, “It’s finally out! Happy to announce that we’re expecting another little member of the #happyislafam due in 2021. Check out our latest vlog to watch our reveal! Link in bio.”

Ikatlong anak na ni Andi ang ipinagbubuntis niya at baby brother ang hiling ng panganay niyang si Ellie na si Jake Ejercito ang ama.

Si Philmar naman ay may nauna ring dalawang anak na lalaki sa nauna niyang karelasyon at kasama nila ni Andi sa Siargao si Toro at nasa France naman kasama ang ina ang ikalawang anak na si Kanoa.

Umani kaagad ng pagbati si Andi mula sa mga kasamahan niya sa showbiz industry at siyempre nauna na ang kanyang inang si Jaclyn Jose, “Congrats anak (heart emoji)!” na sinagot ni Andi ng, “Thanks nanay!”

Ang iba pang bumati kay Andi ay sina Neil Arce, Pauleen Luna Sotto, Nikki Gil, Melai Cantiveros, Kaladkaren, at ilang non-showbiz friends.

Samantala, sa vlog naman ni Andi na “Happy Islanders” na may 1.4 million YouTube subscribers ay binati niya ng maligayang kaarawan si Philmar na tinawag niyang “Papa” at “Mahal” sa salitang Bisaya o Siargaonon.

Pinasalamatan ni Andi si Philmar dahil sa magandang buhay na ipinamalas nito sa Siargao na para sa aktres ay nakatira siya sa paraiso at sobrang saya ng buhay niya kapiling ang mga anak.

Umaasa rin siya na matutupad lahat ang mga pangarap nila sa buhay para rin sa kanilang mga anak.

Ang daming nag-aabang sa anunsyong ito ni Andi dahil habang sinusulat namin ang balitang ito na kaka-upload lang niya ay umabot na agad sa 118,594 views at halos 1.5k comments ang nakuha ng video.

Natutuwa sila sa mga pahayag ng partner ni Philmar dahil lumalabas na mas pinili nito ang simpleng buhay kaysa sa buhay nito sa Maynila at trabaho nitong nasa harap ng camera.

Narito ang ilan sa mga komento ng netizens.

Ayon kay Genie Banaag, “You inspired a lot of people Andi, you and Philmar deserves more than anything, your simplicity brings lot of beautiful things around you, God bless you and your family, best regards.”

Sabi ni Leslie Jimenez, “This is so touching. I cried while listening to Andi’s message, it was mix emotions. And, Congratulations for the upcoming Happy Islander! I pray for your happy family, Andi. God bless you! Keep smiling. I love to see you laugh.”

“Praying for you Andi and Philmar to be with each other forever. Cant wait to see your wedding in Siargao. Congrats sa bago na namang cute island baby… sana baby boy na!” pahayag ni Chikin Doodle.

Ayon naman kay Miss Gladys , “Such a humble yet sweet gestures of u Andi to use Philmar’s dialect in delivering your message to him.”

Komento ni Pepper, “Andi has always been beautiful, but look at her today, her eyes are glistening and beaming with joy. She looks truly happy. Mas lalong nakakaganda talaga kapag masaya at at peace ka. Very blooming mommy. Congrats!”

Read more...