Kiray tumalak: Oh ayan! Pwet para sa ‘yo, para mas lalo kang mainis!

 

BASAG na basag sa Kapuso comedienne na si Kiray Celis ang mga bashers na walang ginawa kundi laitin ang kanyang pwet.

Palaging ginagawang “pulutan” ng mga haters sa social media ang mga sexy photos ni Kiray, lalo na yung mga litrato niyang labas ang kanyang butt.

Mahilig kasing mag-post ang komedyana ng mga selfie photos niya sa social media na naka-swimsuit. May mga netizens na natutuwa sa kanya pero meron ding nabubuwisit.

Sa kanyang Instagram account, muling nag-post si Kiray ng litrato kung saan nagmumura na naman ang kanyang “likuran.”

“Dini dedicate ko tong picture nato para sa lahat ng hindi ako finafollow pero updated sa mga post at pictures ko.
“At walang ginawa kundi magsalita ng masasama tungkol sayo.
“Oh ayan! Pwet para sayo. Para mas lalo kang mainis! HAHAHAHA!” ang hirit na caption ng dalaga sa kanyang IG post.

Sinagot din niya sa isang post ang mga netizens na nagtatanong kung okay lang ba sa boyfriend niyang si Stephan Estopia mga pinaggagagawa niya.

“Daming curious kung di ba nagagalit jowa ko sa mga post? Ayan! Number one liker! Supportive yan.
“Alam mo dapat limitasyon mo. Gang tingin lang sila. proud ako sa pwet ko.

“Yung iba nga diyan di nagpopost ng sexy pero ang dami palang kausap na iba habang may jowa! EME! HAHAHAHA!” ang tila may pang-aasar pang pahayag ni Kiray.

Hindi ito ang unang beses na tumalak si Kiray about her butt. Sa isa niyang post matapang niyang sinabi na, “Pag sexy, kahit magpakita araw araw ng dede.. OKAY LANG? Pag pwet ko, galit kayo? Korni niyo! BUWAHAHAHAHA!

“PWET nalang nga malaki sakin. Maliit na nga sa HEIGHT saka sa BOOBS.. Dami niyo pang sinasabi! Di nalang natin i-angat ang isa’t isa. Kaya ang daming may kulang sa kumpiyansa sa sarili eh. Kasi imbes na suportahan niyo, lalaitin niyo pa. Kala mo ang peperfect nila! HAHAHAHAHAHA!”

Read more...