Sampalan, halikan, love scene sa ‘Ang Sa Iyo ay Akin’ kering-keri kahit may social distancing

 

ALAM n’yo ba na ang ilan sa mga sampalan at bugbugan scene sa pinag-uusapang teleserye ngayon na “Ang Sa Iyo ay Akin” ay ginagawan ng “magic”?

Yes, lahat yan ay makatotohanang napapanood sa TV ngayon pero walang nangyayaring physical contact sa taping.

Ayon sa direktor ng serye na si FM Reyes, talagang kinakarir nila ang pagsunod sa safety at healthy protocols habang nagte-taping para masiguro ang kaligtasan ng lahat.

Tulad na lang kapag kukunan na ang mga pisikalang eksena tulad ng sampalan, sapakan at halikan, pero kailangang may social distancing.

“Bawal ang physical contact. So maski love scene, kissing scene, ‘yang mga sampalan, bawal. So dayaan lahat ‘yan.

“You can position your camera and it would seem like somebody is kissing someone. So we have to be clever. We had to find ways kung paano namin mapa-practice ‘yung social distancing,” pahayag ni Direk.

Dagdag pa niya, “Sabi ko nga, nagugulat sila sa akin dahil kahit hindi maghahawak, laging during rehearsal, bago mag-take, nag-a-alcohol ako sa kanila kasi kahit blocking pa lang, paglapit ko na dapat (ilantad na) nila ‘yung kamay nila kasi ina-alcohol-an ko din.

“Dahil hindi mo maiwasan, hindi lang ‘yung personal contact sa tao, ‘yung humawak sa dingding at sa mga props, lahat ‘yun de-alcohol kaming lahat. Mahirap. One scene, one set up supposedly pero ‘yung isang set up mo humahaba,” lahad pa ng Kapamilya director.

“As the leader of the group, kailangan sa iyo manggaling ang paalaala palagi kasi I cannot afford na may mabawas o magkasakit sa mga tao ko.

“I announced to them that we have to take care of each other, responsibilidad namin ang isa’t isa. We have to triumph over this virus. Hindi titigil ang mundo natin dahil dito.

“We are blessed because there’s work. That’s the critical point. We have to take care of each other. And everybody should be honest, ‘yun ang advocacy ko sa kanila,” aniya pa.

Ang “Ang Sa Iyo Ay Akin” ay pinagbibidahan nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Sam Milby at Maricel Soriano. Napapanood ito sa Kapamilya Online Live at Kapamilya Channel pagkatapos ng “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Read more...