Kikitain ng Ben&Ben song ido-donate sa mga natanggal na empleyado ng ABS-CBN

Ben&BenIDO-DONATE ng grupong Ben&Ben ang kikitain ng bago nilang kanta sa lahat ng mga empleyadong natanggal sa ABS-CBN.

Ibinandera ng award-winning OPM artists sa kanilang Twitter account ang good news na pinuri naman ng madlang pipol.

Anila, ibabahagi nila ang kikitain ng kantang “Nakikinig Ka Ba Sa Akin” sa mga ABS-CBN employees na na-retrench dahil sa tuluyang pagpapasara sa Kapamilya network.

Bukas ang huling araw ng pagtatrabaho sa istasyon ng libu-libong empleyado na natanggal sa kani-kanilang posisyon.

“Sharing with you that we’ve given earnings from our song “Nakikinig Ka Ba Sa Akin” to programs that will support retrenched employees of ABS-CBN, through Lingkod Kapamilya,” mensahe ng Ben&Ben.

Sa isa pang tweet, sinabi rin ng Ben&Ben na ang pagri-release nila ng bagong kanta ay para talaga sa sa mga empleyado ng network.

“The band’s goal in releasing the song has always been to be of service to retrenched employees of ABS-CBN,” ayon pa sa Ben&Ben.

Ni-release ng Ben&Ben ang “Nakikinig Ka Ba Sa Akin” noong June, Independence Day.

Ang music video naman nito ay inilabas pagkatapos magdesisyon ang Kongreso na huwag nang bigyan ng prangkisa ang ABS-CBN.

Mensahe pa nila sa lahat ng Kapamilya, “Isang alay sa ating mga kapamilya, sa bigat ng mga pangyayari ngayon.”

Read more...