NAGULAT kami sa tsika ng executive ng isang movie company na may sinu-shoot ngayong pelikula na pawang mga premyadong artista ang bida.
Napatitig daw kasi siya sa isang male star dahil hindi nito ini-expect na mahina pala ang ulo nito kapag seryosong mga topic na ang usapan.
“Random lang naman ang pinag-uusapan tulad ng nangyayari sa bansa, sa industry, sa mga nagsarang negosyo at kung anu-ano pa.
“Hindi ko ini-expect na ang layo ng reasoning niya sa mga kasama niya, parang gusto kong tanungin, saan ka nanggagaling? Are you with us? Or, puyat ka ba?
“Kasi hindi ko gets talaga, samantalang ‘yung ibang kausap namin kuha naman agad ang issue at nasasagot naman agad kapag may mga tanong.
“Nagpapakalalim na sasabayan ng pag-i-English tapos wala namang sense ang sinasabi,” naiiling na kuwento sa amin ng source.
Bigla tuloy naming inalala ang lahat ng panayam namin sa aktor na parang okay naman dahil naiintindihan naman namin siya.
Pero medyo paliguy-ligoy nga lang ang mga sagot kapag tungkol na sa lovelife ang pinag-uusapan o baka kasi nga ayaw naman niya itong pag-usapan.
Pero kasi wala naman ding ibang puwedeng topic kaya puro kababawan din ang mga sagot niya, sa negosyo naman minsan naging topic pero hindi masyadong na-explore.
Dagdag pa, “Wala talagang perpekto ‘no? Guwapo, pero medyo mahina ulo. Me iba naman walang face value, pero kahit anong topic puwede ninyong pag-usapan, masarap kainuman.”
Nagpakababaw kami ng sagot, “Hindi naman nakikipag-inuman si _____ (aktor), wine-wine at pa-cute lang.”
“Halata naman,” kaswal na sagot sa amin.