Bwelta ni Frankie sa tumawag sa kanya ng chaka: Congrats sa trolls na binigyan ko ng sweldo today

BINUWELTAHAN ni Frankie Pangilinan ang ilang netizens na walang patumanggang nang-ookray sa kanyang itsura.

Ilang bashers na tumawag sa kanya ng chaka at kinulang daw sa ganda ang pinatulan ng anak nina Megastar Sharon Cuneta at Sen. Kiko Pangilinan.

“Shawie (Sharon Cuneta) did not call me Simone Francesca Emmanuelle Cuneta Pangilinan for some accounts made in August 2020 to call me panget,” ang tweet ng dalaga bilang sagot sa lahat ng nanglalait sa itsura niya sa social media.

Ilang hate tweets din ang ni-repost ng siger-songwriter para sagutin. Alam ng dalaga na trolls lang ang mga ito na nais lang magpapansin para dumami ang likes at followers.

“I created my account 2012 still pangit ka pa rin Pwe!”

“@kakiep83 …in your face! na mukhang talampakan!”

“This particular narrative outshines true causes like the ones mentioned. Your abrupt yet deliberate call to advocacy is rooted from your unbefitting dissent of the subject of your tirades, not actuated by authentic desire to better things. Have you done anything before? None.”

Banat naman ni Frankie sa Ingliserang netizen, “I appreciate the attempt to sound intelligent but your lack of reasoning is louder than your incoherent thoughts. i’ve done more than you probably ever will. but i don’t owe you explanations. true goodness is something none of us have to prove — and for you to lack basis?”

Mensahe pa niya sa kanyang socmed followers, “Don’t worry! Sometimes, I try to believe it and then I look in the mirror and sigh in relief,” she added.
“I don’t need validation for what I do. Sometimes I need it personally but it will never go further than that. I love you. Promise me you’ll never seek approval from anyone but yourselves.

“I promise the work that I do will always remain separate (and primarily private). I love you so much.”

Ito naman ang huling hirit niya sa bashers, “Congrats sa trolls na binigyan ko ng sweldo today! Ingat lagi kahit willful destruction ang pinaggagawa ninyo!”

Read more...