MARAMING fans ang nag-alala sa young singer-songwriter na si JK Labajo matapos itong magpaalam sa madlang pipol.
Bigla na lang kasing nag-post ang binata sa kanyang social media account ng mensahe ng pamamaalam kasabay ng pasasalamat sa lahat ng sumusuporta sa kanya.
Sa Facebook, ibinahagi ni JK ang isa niyang malabong litrato at nilagyan ng caption na, “Matagal akong mawawala. Salamat. Ingat. Hanggang sa muli. Paalam.”
Wala nang ibang detalyeng binanggit ang binatang singer tungkol sa desisyon niyang “mawala” nang matagal na panahon. Hindi rin malinaw kung sa social media lang siya magpapahinga o sa kanyang career.
Dahil dito, nagpahayag ng takot at pag-aalala ang fans para kay JK, pero halos iisa ang mensahe nila para sa binata — ang magpakatatag at huwag susuko sa kung anuman ang pinagdaraanan niya ngayon.
Narito ang ilan sa mga comments ng netizens sa FB post ng award-winning singer.
“Huwag mong sabihing paalam kasi parang ang bigat sa pakiramdam. Sabihin mo, hanggang sa muli, mas nakakagaan. Mahal na mahal kita. Mula the voice kids sinubaybayan kita at hanggang ngayon nandito parin ako at lagi akong nandito para suportahan ka. I love you, Jekoy!”
“Kung pahinga lang ayos lang basta pag balik mo may pasalubong kang mga bagong kanta.”
“Pakisabi namang lyrics lang yan oh kung hindi naman balik ka kaagad. Nakakatrauma na kasi yung aalis daw saglit tapos grabe na yung tagal.”
“JK wag naman paalam, para kasing walang ng balikan ehh, pahinga ka lang everything will be alright soon then if that will happen balik Kana ahhh.. see you again dapat ganyan to assure us na babalik ka. As your fan I will miss you, we will miss you rather. Everything’s gonna be alright, the storm you are in right now will be good day tomorrow.. we cherish you take good care of yourself.”
Kung matatandaan, nitong nakaraang Hunyo ay na-headline ang fake news na namatay na raw si JK. Pinagtawanan lamang niya ito at ni-repost pa ang nasabing balita sa kanyang FB page.
“With all the speculations and rumors going around of his passing, we officially announce with a heavy heart, that Juan Karlos Labajo, a loving friend, brother, son, and lover, is still alive and ready to rock and roll. Suck it, haters,” ang mensahe niya sa nagpakalat ng pekeng balita.