Pinay beauties ibinida ang pormang pandemya

Usap-usapan ngayon ng marami ang isang abogado na tumangging magsuot ng face mask habang kinakapanayam ng mga alagad ng midya sa Korte Suprema kamakailan. Ngunit kung ang ilan sa mga Pilipinang beauty queen ang tatanungin, hindi na dapat pagtalunan ang kahalagahan ng pagsusuot ng face mask ngayong panahon ng pandemyang bunga ng COVID-19.

Miss Universe fourth runner-up Venus Raj/FACEBOOK PHOTO

Isa sa mga hinahangaang beauty queen ng bansa na naglabas ng larawan niyang may suot na face mask ay si 2010 Miss Universe fourth runner-up Venus Raj, na siyang nagsimula ng isang- dekadang pamamayagpag ng Pilipinas sa Miss Universe.

Miss International Top 8 finisher Patricia Magtanong/INSTAGRAM PHOTO

Itim na mask naman ang ibinida ni 2019 Miss International Top 8 finisher Patricia Magtanong sa Instagram post niya.

Binibining Pilipinas-World Marie-Ann Umali/FACEBOOK PHOTO

Nakasuot ng asul na mask si 2009 Binibining Pilipinas-World Marie-Ann Umali, at luntian naman ang mask ni 2014 Bb. Pilipinas-Supranational Yvethe Marie Santiago sa kani-kanilang mga selfie.

Binibining Pilipinas-Supranational Yvethe Marie Santiago/FACEBOOK PHOTO

Naglabas din ng larawan kung saan nakasuot sila ng mask ang mga naging pambato ng bansa sa Miss Universe na sina Maxine Medina at Bianca Manalo, na kapwa na rin pinasok ang mundo ng show biz.

Ngunit hindi basta-basta mask ang suot nila, kundi disenyo mismo ng bantog na designer na si Albert Andrada.

Maliban sa ginawa ito ng designer na lumikha ng iconic blue gown na sinuot ni 2015 Miss Universe Pia Wurtzbach, espesyal din ang naturang mga face mask sapagkat pumapatay ito ng virus sa pamamagitan ng isang pambihirang nanosilver fabric na ginawa sa Singapore.

Ipinakita naman ng mga beauty queen na kahit nakasuot ka ng mask, maari ka pa ring maging kaaya-aya.

Read more...