28 pang Filipino abroad, gumaling sa COVID-19

Mayroon pang napaulat na limang nagpositibong Filipino sa COVID-19 sa ibang bansa.

Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang Agosto 29, umakyat na sa 10,067 ang mga kumpirmadong positibo sa COVID-19 na Filipino mula sa 73 na bansa at rehiyon.

Sa nasabing bilang, 3,189 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.

Dalawampu’t walo naman ang bagong gumaling kung kaya 6,123 na ang overseas Filipinos na naka-recover sa nakakahawang sakit o pinalabas na sa ospital.

Samantala, walang napaulat na nasawing overseas Filipino.

Dahil dito, nanatili sa 755 ang COVID-19 related deaths sa mga Filipino abroad.

Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na mga Filipino na nasa Middle East at Africa na may 6,968 na kaso.

Sumunod dito ang Europa na may 1,165 confirmed COVID-19 positive cases na Filipino.

Nasa 795 naman ang kaso sa Americas at 1,139 sa Asia Pacific Region.

Tiniyak ng DFA na sa pamamagitan ng Foreign Service Posts, tututukan ang lagay ng mga Pinoy sa ibang bansa at handang umasiste sa mga Filipino na apektado ng COVID-19 pandemic.

Read more...