Prima Donnas magbabalik taping na; Aiko nag-aral ng ‘Kendra makeup’ at naghahanap ng Indian mango!

How to achieve that "KENDRA" look | AikoMelendez

Magre-resume na ng taping ang Prima Donnas kaya inaaral na ni Aiko Melendez ang pagme-make up sa sarili. Wala na kase siyang kasamang make-up artist o personal assistant sa set. Ipinagbabawal ang mga non-essential na tao sa set kaugnay na rin sa health protocol na ipinatutupad dahill sa COVID-19. Pawang mga artista at production crew ang pinapayagan sa set na aabot lang sa 50 katao.

Kuwento ni Aiko sa kanyang vlog na “How to achieve that Kendra look”  marunong naman daw siyang mag-make up ng sarili niya  pero iba pa rin ‘yung kontrabida look.

Panimula ni Kendra, “I decided to make a video na how to achieve the Kendra look. Kailangan ko talagang matutong mag-make up kasi magre-resume na kami ng taping for Prima Donnas and wala na kaming make up artist sa taping.

“Imagini’n n’yo na super sosyal si Kendra kaya kailangan kong pag-aralan at praktisin ang make up. At naisip ko rin na ang mga kontrabida ay hindi naman kailangan ng mga dark-dark di ba?  Dapat pretty pa rin para hindi niya aakalain na kontrabida siya.  Kaya ita-try kong mag-make up. Marunong naman ako kaya lang hindi pa ako ganu’n ka-bongga.”

At sinimulan na nga ni Aiko na maglagay ng concealer at kinamay para ma-blend daw ng pantay para matakpan na rin ang mga blemishes at iba pa.

“Dapat takpan ko ang mga freckles ko lalo na ngayon nagbi-break out kasi magkakaroon na ako (period) kaya kailangan takpan.  Hayan, hindi porke’t kontrabida ka, e, momo level ka dapat pretty ka pa rin.  Tapos habang nagme-make up dapat isipin ninyo gandang-ganda kayo sa sarili ninyo para maganda ang kalalabasan,” natawang sabi ng aktres.

Pagkatapos ng mga eyeliner, make-up sa mata ay ang paglalagay naman ng eyelashes ang ginawa ni Kendra. “Dapat pili kayo ng eyelashes na hindi kayo magmumukhang pusa,” sabi pa.

In fairness nang matapos make-apan ni Aiko ang sarili at hindi nga makapal at hindi rin matapang ay parang hindi masyadong kontrabida ang dating ng karakter niyang si Kendra.

Samantala, muling naman nag-post si Aiko na nagki-crave siya ng Indian Mango. May nagpayo sa kanyang bumili sa ganitong lugar na kaagad namang pinapuntahan ng aktres sa driver na sa kasamaang-palad ay umuwing luhaan.

“Wala namang nagtitinda ng prutas,” aniya.

Anyway, bago mag-isip ang iba ay hindi naglilihi o buntis ang aktres. May mga panahong nagki-crave lang talaga siya.

Read more...