Pumanaw na ang Hollywood actor na si Chadwick Boseman matapos ang apat na taong pakikipagbuno sa sakit na cancer. Si Boseman ay 43 taong gulang.
“It is with immeasurable grief that we confirm the passing of Chadwick Boseman,” ayon sa pahayag ng pamilya na naka-post sa Twitter account ng actor.
Namatay si Chadwick sa kanyang tahanan kapiling ang kabiyak at iba pang myembro ng pamilya.
“A true fighter, Chadwick persevered through it all, and brought you many of the films you have come to love so much,” ayon pa sa pahayag.
“From Marshall to Da 5 Bloods, August Wilson’s Ma Rainey’s Black Bottom and several more–all were filmed during and between countless surgeries and chemotherapy,” dagdag pa.
“It was the honor of his career to bring King T’Challa to life in Black Panther.”
— Chadwick Boseman (@chadwickboseman) August 29, 2020
Sa paggampan niya ng Black Panther sa Marvel Cinematic Universe films, kabilang ang Captain America: Civil War (2016), Black Panther (2018), Avengers: Infinity War (2018), and Avengers: Endgame (2019), nakilala si Chadwick na international star.
Na-diagnose siyang may stage 3 colon cancer noong 2016 at sa loob ng apat na taon ay binuno niya ito hanggang umabot ang sakit sa stage 4.
Bago siya pumanaw, pinakasalan niya ang matagal nang kasintahang singer na si Taylor Simone Ledward.