440 pribadong paaralan magsasara ngayong taon

Mga learning materials na gagamitin sa mga pampublikong paaralan sa ilalim ng sistemang blended learning. (Larawan mula sa Department of Education)

Hindi kukulangin sa 440 pribadong iskwelahan sa buong bansa ang magsasara dahil sa pagbaba ng mga estudyanteng nagpapatala ngayong school year dulot ng pandemya, ayon sa datos ng Department of Education (DepEd)

Hanggang nitong Agosto 24, naitala ng DepEd ang mga sumusunod na eskwelahang hindi magbubukas sa 2020-2021 na pasukan:

Hindi pa kabilang sa datos na ito ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao na magsusumite pa lamang ng report sa estado ng mga eskwelahan sa rehiyon.

May kabuuang 14,435 na mga pribadong paaralanang may regular na operasyon  sa buong bansa noong nakaraang school year.

Isinisi ni Education Undersecretary Jesus Mateo ang di pagbubukas ng mga paaralan sa mababang enrollment rate at mataas na halaga ng operasyon sa sistemang blended learning.

Karlos Bautisa, Bandera; mula sa ulat ng Philippine Daily Inquirer

 

 

Read more...