Bwelta ni Nikko kay @BanatBy: Bes, pera lang nawala saken, ikaw may pera ka pero panget ka paren…

PALABAN talaga itong si Nikko Natividad ng Hashtags.

Hindi niya pinalagpas ang patutsada sa kanya ni Banat by na wala raw scammer kung walang tangang katulad ni Nikko.

Recall that Nikko almost a week ago admitted na na-scam siya ng tumataginting na P4 million. Sa galit niya, ipinost niya ang short video ng isang babaeng nahuling nang-scam.

Sunud-sunod ang banat ni Nikko kay Banat By sa Twitter.

“Wala daw scammer kung walang tangang katulad ko sabi ni @BanatByPh. So parang sinabe mo na ‘walang magnanakaw sa philhealth kung walang tangang pilipinong naghuhulog dun buwan buwan?’

“Magaling kana pala @BanatByPh sayang naman yung nabili kong bulaklak corona pa naman yun.”

“Balita ko magaling kna @BanatByPh iba talaga resistensya kapag MASAMANG DAMO.

“Atleast ako @BanatByPh never akong nagnakaw. May kakilala kasi ako MERON NA NAGNANAKAW PA sige nga tirahin mo sila bes. kaw talaga pingkakakitaan mo na naman ako sa youtube mo kainis ka na hmmp.”

“Nung nagkasakit ka tahimik ako. Ayoko mawala ka. Kasi dahil sayo nagkakulay quarantine ko. tandaan mo bes pera lang nawala saken ikaw may pera ka pero panget ka paren.”

Iyan lang ‘yan sa mga maaanghang na patutsada ni Nikko kay Banat By.

Grabe ka, Nikko, pinatawa mo ako. I’m beginning to like you na. Aliw na aliw ako. I admire your guts to make patol sa basher mo. Ikaw na!!!

Read more...