Umabot na sa mahigit 24.6 million ang naitatalang kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa buong mundo.
Batay sa pinakahuling datos na nakalap ng Radyo INQUIRER hanggang umaga ng Biyernes (Aug. 28) ay 24,605,876 na ang global cases ng COVID-19.
Ito ay makaraang makapagtala ng mahigit 263,000 na bagong kaso sa magdamag.
Ang kaso sa Estados Unidos ay sumampa na sa mahigit 6 na milyon matapos makapagtala ng mahigit 46,000 pang bagong kaso.
Nakapagtala ang Brazil ng mahigit 42,000 bagong kaso habang mahigit 76,000 ang nadagdag sa kaso ng COVID-19 sa India.
Umakyat na sa pang-pito ang Colombia sa mga bansang may pinakamaraming kaso, matapos maungusan ang datos ng Mexico.
Nanatili ang Pilipinas sa pang-22 sa mga bansa na may pinakamaraming kaso sa mundo.
Narito ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa iba pang mga bansa:
- Brazil – 3,722,004
- India – 3,384,575
- Russia – 975,576
- South Africa – 618,286
- Peru – 613,378
- Colombia – 582,022
- Mexico – 573,888
- Spain – 451,792