Ayaw patalo sa Brazil: Kapitan at kanyang tresurera, nag-doggy sa Zoom meeting sa Dasmariñas

Kahit sa anong larangan, hindi nagpapatalo ang Pinoy.

Pinatunayan ito ng dalawang opisyal ng barangay sa Dasmariñas, Cavite nang talbugan nila ang “live show” sa Rio de Janeiro sa kanilang pagtatalik na dog style at live sa Zoom.

Sa programang Tutok Erwin Tulfo, sinabi na nagpatawag umano ng miting ang naturang barangay noong nakaraang linggo para pag-usapan ang mga hakbangin upang masugpo ang pagkalat ng COVID-19.

Gamit ang Zoom, nag-teleconference ang mga opisyales ng barangay.

Pero si kapitan at ang kanyang tresurera ay tila hindi meeting kundi mating ang inaatupag.

Kuhang-kuha sa camera si kapitan habang nakababa ang pantalon at dino-doggy ang kanyang babaeng tresurera mismong sa tanggapan ng barangay. Kapwa may asawa ang dalawang opisyal at ang mister umano ng tresurera ay kumpare pa ni kapitan.

Ang masaklap nito, ayon sa ekslusibong ulat ni Erwin Tulfo, inabisuhan ang mga taga-barangay na panoorin ang teleconference para umano malaman nila ang mga mahahalagang isyung tinatalakay ng Sangguniang Barangay.

Tuloy, napaaga ang pista ng barangay sa pasabog ni kapitan.

Pero kung may mga natuwa sa libreng torohan, mas marami naman ang dismayado sa inasal ng kanilang opisyal.

Isang petisyon ang umikot sa barangay para patalsikin si kapitan.

Kinapanayam ni Tulfo si Undersecretary Ricojudge Echiverri ng Department of the Interior and Local Government (DILG) kaugnay sa isyu.

Ayon kay Echiverri, ang ginawa ng dalawa–na parehong pinangalanan ng hard-hitting broadcaster–ay “conduct unbecoming of a public official.”

“Well, there are a lot of violations done. We will look into it,” wika nito at sinabi pang isasangguni niya ang insidente sa legal department ng DILG para sa karampatang aksyon.

Sa Rio de Janeiro sa Brazil, nag-teleconference nitong Hunyo ang konseho ng siyudad tungkol sa feeding program para sa mga bata sa eskwelahan.

Pero habang live sa Zoom, isang myembro ng konseho at kanyang partner ang sapol sa camera na nagsisibakan.

Kaya paalala sa lahat, kapag may Zoom meeting siguruhing meeting lang. Huwag hahaluan ng mga acrobatic acts, dog show, at kung anu-anupa.

https://bandera.inquirer.net/261953/konsehal-ng-rio-de-janeiro-nahuling-nakikipag-sex-habang-may-council-zoom-meeting

 

Read more...