Ilang buwan na rin ang nakararaan nang magsimula ang pandemyang dulot ng COVID-19, mula noon ay lalo pang nadaragdagan ang bilang ng mga Pilipinong naaapektuhan ang kabuhayan.
Marami pa rin sa atin ang hindi nakakabalik sa trabaho o tuluyan ng hindi makakabalik sa trabaho at walang pangkabuhayan.
Wala pa ring makakasagot kung makakabalik pa ba sa normal o ito na ba ang magiging bagong normal ng buhay.
Kaya naman sa pangatlong pagkakataon ay maghahatid ng tulong ang Cloud Panda Ph, isang IT Solutions Company, sa mga kababayan nating gustong magkaroon ng pagkakakitaan sa panahong ito.
Sa mga susunod na linggo ay magbubukas na sa publiko ang TOKTOK, isang delivery service app. Maaari tayong matulungan nito sa pamamagitan ng pagiging isang RIDER.
Kadalasan sa paghahanap ng trabaho ay malaking halaga din ang nagagastos ng aplikante ngunit sa TOKTOK, pangunahing requirements lang ang kailangang isumite.
Ang layunin ng kumpanya ay makatulong makapagbigay ng pagkakakitaan nang hindi kinakailangang gumastos ng malaki, maaari mo pang gamitin ang perang matitipid sa paglalakad ng papeles sa mas madami pang mahalagang bagay.
Bilang isang TOKTOK RIDER, maaari kang kumita ng P1,500 kada araw o higit pa depende sa sipag at tiyaga at naaayon sa oras na ninanais, ang karagdagang pagkakakitaan ay hindi lamang makakatulong sa pamilya higit pa ay ang pagkakataon nating makatulong sa mga kapwa Pilipino na nangangailangan ng serbisyo at sa muling pagbangon ng ekonomiya.
Malaking bagay para sa atin ang TOKTOK lalo na sa panahong limitado ang paglabas at malawak ang pangangailangan lalo na sa basic essentials ang kailangang mapunan.
Ang kaginhawaang dulot ng mga delivery service apps ay nandito na hindi lang sa ganitong kalagayan kundi hanggang sa mga susunod na panahon.
Kung nais malaman ang mga impormasyon at gustong magsumite ng aplikasyon bilang isang RIDER, ihanda lamang ang lisensya at OR/CR at maaaring pumunta sa website na www.toktok.ph. Nakasaad sa website ang mga hakbang kung paano maging isang TOKTOK RIDER.ed