Mariel na-shock, naiyak sa bonggang sorpresa ni Robin: Wow! Sobra akong na-touch!

SHOCKED ang TV host-vlogger na si Mariel Rodriguez sa pasabog ni Robin Padilla para sa late celebration ng kanilang 10th anniversary.

Nitong nakaraang Aug. 19 ang kanilang anibersaryo ngunit wala ngang bonggang ganap ang celebration nila dahil nga naka-community quarantine pa rin ang bansa dulot ng COVID-19.

Nauna nang naglabas ng saloobin si Mariel tungkol sa mga naudlot nilang plano ni Binoe para sa ika-10 anibersaryo ng kanilang pagsasama bilang mag-asawa.

Sa part 1 ng kanyang vlog sa YouTube titled “A Decade With You” sinabi ni Mariel na nagpaplano silang magpakasal uli.

“I’m a little sad when I think about it because I had so many things in my mind planned for this anniversary. Actually, in my head for a while, the plan was a renewal of vows,” pahayag ng misis ni Binoe. Pangarap daw talaga niya ang magsuot ng wedding gown.

“Iba rin ‘yung feeling na magawa mo ‘yun, ‘di ba? Pangarap ‘yun ng bawat babae and I was really looking forward to that. 

Kaya lang, nabuntis nga ako. Eh alam ko na ‘pag nagbuntis ako, after ko mag-give birth alam ko na tataba ako. 

“Kaya alam ko na hindi siya matutuloy kasi gusto ko naman na super ganda ako, at my best ako kapag renewal of vows, ‘di ba?” aniya pa.

Pero ang hindi niya alam, may balak na pala si Robin, “I have been planning for a while and actually, I was really sad that we couldn’t do anything.

“One because of COVID-19, tapos pangalawa lagi kong sinasabi kasi mataba ako ngayon. E, gusto ko sa pictures maganda ako.

“Matagal pa lang iniisip ko ano kayang magandang pwede kong gawin na special for our anniversary since wala naman masyado magagawa. I had no idea that Robin was planning this whole thing pala,” maluha-luhang pahayag ni Mariel sa part 2 ng vlog.

“Obviously hindi naman ako nag-e-expect ng gift kasi nagbigay siya ng magandang birthday gift. Hindi talaga ako nag-e-expect,” aniya pa.

Nang makita niya na punumpuno ng magagandang bulaklak ang bahay nila, puro wow na lang ang nasabi ng TV host.

“Robin is really grand. His gestures are always grand. It was very very Robin. I remember na I was so touched na naluluha ako.

“Tapos nakita ko nasa Zoom, tapos ang daming tao. The first one that I so was my dad. So, sobra akong na-touch kasi everyone that we were really close to,” tuwang-tuwang reaksyon pa ni Mariel.

Sa bandang huling bahagi ng video, sinamahan na ni Robin ang asawa sa vlog nito at inilabas ang isa pa niyang sorpresa.

Ito ay isang bonggang singsing na isinuot agad niya kay Mariel bilang tanda ng isang dekada nilang pagmamahalan.

Read more...