Sarangani, Davao Occidental niyanig ng magnitude 4.6 na lindol
Niyanig ng magnitude 4.6 na lindol ang lalawigan ng Davao Occidental.
Sa datos ng Phivolcs na nakuha ng Radyo INQUIRER, naitala ang pagyanig sa 133 kilometers southeast ng bayan ng Sarangani, alas-10:54 umaga Miyerkules (August 26).
May lalim na 82 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.
Naitala naman ang instrumental intensity 1 sa Malungon, Sarangani.
Wala namang inaasahang pagkasira sa mga ari-arian at aftershocks.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.
What's trending