Bayanihan 2 pinalagyan ng safety measures para hindi makurakot ang pondo

 

SOCIAL AMELIORATION / MAY 5, 2020
Quezon City residents from Barangay Tatalon line up at the Diosdado Macapagal Elementary School covered court in Brgy. Tatalon, Quezon City on Tuesday, May 5, 2020 for the social amelioration package from the government.
INQUIRER PHOTO / GRIG C. MONTEGRANDE

Hinihimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Kongreso na lagyan ng detalyadong safety measures ang Bayanihan to Recover as One Act o kilala bilang Bayanihan 2

Ito ay para masiguro na hindi nakukurakot ang P165 bilyong pondo na nakapaloob sa batas na ipang-aayuda sa mga negosyante at ipangbibili sa health-related na gamit laban sa COVID-19.

Ayon sa Pangulo, kung kinakailangan na maglagay ang kongreso ng “oversight, undersight o sidesight” committee ay gawin ito para masiguro na naalagaaan ang pera ng bayan.

Maari din aniyang pagpaliwanagin ng Kongreso ang kanyang mga gabinete ng kada linggo kung saan napunta ang pondo.

Sinabi ni Duterte na kung hindi pa makukuntento ang Kongreso, maari ring tawagin ang kanyang gabinete para pagpaliwanagin.

“Congress is free to participate or create oversight of committees — committees of all sorts. Anong committee maisip ninyo sa COVID one or two, wala namang — pati COVID two, kung mayroon pa, ilagay ninyo, oversight, undersight, sidesight, gawain ninyo at kung gusto ninyo to report ‘yung mga tao weekly diyan para may trabaho tayong lahat,” anang Pangulo.

“They can report to Congress week — weekly or — at your choosing. Walang problema ‘yan. I’m ready to order that. It is not a matter of separation of powers. Iyan ‘yung parang expanded oversight lang na gusto lang man… It is never illegal to know where your money is going,” dagdag ni Duterte.

Una rito, inatasan ng Pangulong ang kanyang gabinete na ilathala sa mga pahayagan kung paano nila ginastos ang pera sa Bayanihan Act kada dalawang linggo.

Ipinasasama ng Pangulo ang mga bidderr pati na ang pagpili kahit na paper clip lamang.

Read more...