PART 2 ito ng naisulat namin dito tungkol sa mga nakakaaliw na kuwento at rebelasyon ni Kathryn Bernardo sa latest vlog niya sa YouTube.
Ito yung tungkol sa mga “walwal” at kulitan moments niya kasama ang kaibigang si Arisse de Santos na naka-based na ngayon sa Melbourne, Australia.
Aliw na aliw ang kanyang fans sa bagong video sa YouTube channel niyang Everyday Kath kung saan nakachikahan nga niya via video call si Arisse habang umiinom ng wine.
Dito nga naikuwento ng mag-BFF ang tungkol sa kanilang bonding moments sa El Nido, Osaka, Japan, sa Bangkok at Hong Kong.
Sa isang bahagi ng vlog, inalala nila ang mga lasing-lasingan moments nila kabilang na ang pagtalon nila sa swimming pool suot ang kanilang pajamas noong nasa El Nido sila kasama si Daniel Padilla at ilan pa nilang kaibigan.
Paliwanag ni Kathryn, naniniwala siyang walang masama sa ginagawa nilang magkaibigan dahil nagsasaya lamang sila. Pagkatapos nga naman nilang magtrabaho nang magtrabaho, kailangan din nilang mag-happy-happy.
“For me, the secret talaga is balance. You need to have fun once in a while, but also kailangan mo rin magtrabaho in order for you to deserve that extra time,” pahayag ni Kath.
Paliwanag pa ng Box-office Queen, “May mga bantay kami. Hindi naman ini-encourage lahat na magpakawasak (lasing) na ganoon.
“If you’re with the right people at alam mo namang the place is secure, may maghahatid sa ‘yo, that’s the only time na magpapaka ganoon kami, kasi alam naman namin na we’re safe,” aniya pa.
Paano nila inaalagaan ang kanilang matibay na pagkakaibigan? “In order for a friendship to work, kailangan siya ng effort na lahat, compromise.
“Parati sila nag-a-adjust sa akin, so mini-make sure ko na kapag ‘yung mga minsan na times na off ko, or wala akong work, dapat ma-feel nila na nandoon ka talaga, hindi ka masyadong mag-phone, and then kumustahin ang isa’t isa,” chika pa ni Kath.
Samantala, marami ring realizations ang girlfriend ni DJ ngayong panahon ng pandemya.
“At the end of the day, walang magagawa ‘yung pera mo or fame mo. Masaya akong natutulog kasi alam ko wala akong nasasaktan na ibang tao. Also, I have real friends na nandiyan.
“Feeling ko iyon ang totoong meaning ng life, making memories with the people you love. Ngayon talaga, I’m really blessed, kasi mayroong mga tao na bumuo ng pagkatao ko, and isa si Arisse doon,” ani Kath.