HANGGANG ngayon ay pinag-uusapan pa rin ng Kapuso viewers at mga netizens ang pagbuhos ng luha sa tahanan ng Legaspi family nitong weekend.
Sa second part kasi ng birthday celebration ni Carmina Villarroel sa “Sarap, ‘Di Ba? Bahay Edition”, ilang fans na natulungan ng aktres ang nagpasalamat sa kanya.
Kabilang na riyan ang member ng Carminatics na si Monique Evangelista na abot-langit ang pasasalamat kay Carmina dahil sa pagtulong nito sa kanyang tatay.
“‘Yung Papa ko po na-stroke siya noong April 2. Doble ‘yung hirap kasi po kasagsagan po siya ng lockdown, may COVID.
“Ang kailangan po talaga ng papa ko ICU. Wala kaming mahanap kasi halos lahat ng ospital puno ‘yung ICU. Sinabi ko ‘yun sa friend ko and then hindi ko alam na sinabi niya pala ‘yun kay Tita Mina.
“So, si Tita Mina nag-message sa akin na kung ano daw nangyari, akala daw niya okay na. Then that’s the time na tinulungan niya ‘yung dad ko,” simulang pahayag ni Monique.
Aniya pa, “Napaisip ako, bakit? Bakit niya gagawin ‘yun? Bakit niya ako tutulungan knowing na I’m just a fan. Hindi naman niya ako kaano ano. Hindi rin naman niya ako kadugo.
“Ginawa niya yun kasi she has a good heart. She really has a good heart to help other people. Super nakaka-touch yun as a fan kasi noong time na nangailangan kami, hindi siya nagdalawag-isip na tumulong,” sabi pa ng fan.
“Kaya sobrang blessed siya sa life niya. Sobrang blessed siya sa family niya kasi hindi siya selfish. Selfless siya. Sa totoo lang hindi ko alam paano siya pasasalamatan.
“Parang feeling ko kasi ‘yung thank you hindi pa ‘yun enough para sa tulong na ginawa niya for my family during lockdown. Sobrang malaking tulong ‘yun for us.
“Gusto ko siyang yakapin, gusto ko siyang makita. Kaya Tita Mina, from the bottom of my heart, super thank you for everything. For your help, for being so kind. I’ll be forever grateful for that,” mensahe pa nito sa Kapuso actress-TV host.
Dito na napaiyak si Carmina at pati ang asawang si Zoren, at kambal na anak na sina Mavy at Cassy Legaspi ay napaluha na rin.
“Maraming salamat sa Carminatics. Kakaunti lang kayo but you guys mean a lot to me. Salamat sa videos, salamat sa messages na ibinigay ninyo sa akin. Salamat sa pagmamahal hindi lang sa akin kung hindi sa buong pamilya ko.
“‘Pag tumutulong naman ako hindi ko naman kailangan na i-broadcast e. Sa nangyayari sa atin ngayon sa pandemyang ‘to. Marami talagang nangangailangan. Gusto ko kayong tulungan lahat pero hindi ko po kaya. So in my own little way tumutulong po ako sa abot ng makakaya ko.
“Thank you for appreciating my love and my help. Hindi po ako humihingi ng kahit anong kapalit. Kaya yung sinasabi ninyo paano ninyo ako pasasalamatan or paano ninyo ako mababayaran. Wala po, hindi niyo kailangan isipin ‘yun.
“Tuloy lang po ang buhay because alam ko po yung pakiramdam na mawalan ng minamahal sa buhay. Alam ko rin po yung pakiramdam ng mawalan ng hindi mo alam kung paano ka mabubuhay sa pang-araw araw mo yung mga gastusin mo.
“I know how you feel. Like I said, in my own little way sa akin- konting pagtulong, ginagawa ko so yun thank you. thank you. Maraming salamat,” mahabang mensahe ng birthday girl.