Grupo ng mga abogado nanawagang arestuhin mga promotor ng RevGov

NANAWAGAN ang isang grupong pro-Constitution na arestuhin ang mga miyembro ng isang koalisyong maka-Duterte na nagsusulong ng pagtatatayo ng revolutionary government.

Sa pahayag ng grupong Tagapagtanggol ng Watawat, hindi umano sapat ang deklarasyon ng militar at pulisya na hindi nila sinusuportahan ang pagbasura sa Saligang Batas ng Pilipinas ng 1987 sa layong maitulak ang isang rebolusyonaryong gubyerno.

Dapat aniyang ipatupad ang batas at arestuhin ang mga kasapi ng People’s National Coalition for Revolutionary Government and Charter Change na pinamumunuan ng mga tagasuporta ni Pangulong Rodrigo Duterte na sina Bobby Brillante and Arlene Buan.

“Calls for a Revolutionary Government are an existential threat to our republic, an unspeakable abomination to our democracy, a brazen affront to the sovereign Filipino people,” pahayag ng Tagapagtanggol ng Watawat na kinabibilangan nina Dean Jose Aguila Grapilon, Atty. Marlon Anthony R. Tonson at Atty. Arnel Victor C. Valeña.

Magugunitang sumulat ang grupo nina Brillante at Buan kay Philippine National Police Chief Archie Gamboa upang humingi ng audience habang inihahanda ang kanilang katatapos pa lamang na assembly sa Clark Freeport.

Sa launch ng grupo sa Malolos City, Bulacan noong nakaraang Hulyo 25, kabilang mismo si Department of the Interior and Local Government Undersecretary Martin Diño sa mga dumalo.

Pero para kay Presidential Spokesperson Harry Roque, ang panawagang revolutionary government ay maituturing na bahagi lamang ng freedom of speech.

“Mayroon naman po silang karapatan ng malayang pamamahayag, so hayaan na po natin sila,” ani Roque.

Subalit iginiit ng Tagapagtanggol ng Watawat na ang panawagan para sa isang revolutionary government ay hindi “protected speech,” at hindi nakasaad sa Saligang Batas na nais ibasura ng mga nagsusulong ng “RevGov”.

“Such calls are made not by, nor of, nor for the Sovereign Filipino People,” paliwanag pa ng grupo. “The ‘lukewarm response’ of government officials leave much wanting and demanded that they take action and protect and defend this nation’s Constitution as they themselves have sworn to in their oaths of office.”

Binigyang-diin ng Tagapagtanggol ng Watawat na ang isang revolutionary government ay sasalungat sa Konstitusyon dahil layon nitong tanggalin ang “safeguards, checks and balances, at ang mga limitasyon sa State power.”

Binigyang-diin pa ng grupo na, “all government authority emanates from the sovereign Filipino people and that leaders are selected by the people through elections, and not by other modes such as a revolutionary government, for we enthrone no kings.”

“As free citizens, we owe fealty to the Constitution alone, never to those ensconced in privilege nor to the transient occupants of public office,” ayon sa grupo. “Despots are anathema to our Democracy. We submit only to the rule of law, never to the rule of men.”

Nanawagan din ang grupo sa lahat ng mamamayang Filipino na ipagtanggol ang Republika at ang bandila.

“As Filipino citizens, we all have sworn our allegiance—as articulated in our Panatang Makabayan—to the Philippines as symbolized by our nation’s flag, our Watawat. Ipagtanggol natin ang Republika ng Pilipinas, Ipagtanggol ang Watawat!” sabi pa ng grupo.

Read more...