Bakit biglang napaiyak si Xian Lim habang nagbi-video?

IYAK nang iyak ang Kapamilya actor na si Xian Lim sa isang video na ipinost niya sa Facebook kahapon.

Hindi napigilan ng binata ang maging emosyonal nang ibalita niya sa kanyang mga fans na ooperahan ang kanyang lola dahil sa breast cancer.

Ayon kay Xian, kailangan nilang ipa-admit ang lola niyang si Ginang Leonie, 87 years old (nanay ng mommy niyang si Mary Anne Lim), sa ospital para sa kanyang pagpapagamot.

“So, today’s a different type of day…we are bringing my lola to the hospital,” simulang pahayag ni Xian na halatang pinipigil ang pagtulo ng luha.

“I think the procedure is called mastectomy, where they have to remove, I guess, her left or right breast, because they found cancer. So my grandma has cancer right now,” lahad pa ng boyfriend ni Kim Chiu.

Ayon sa aktor, nagdesisyon siyang ibahagi sa publiko ang pinagdaraanan ng kanilang pamilya ngayon para sabihin sa lahat na  napakahalaga ng bawat sandali ngayon kaya palaging iparamdam ang ating pagmamahal sa pamilya.

“I guess it’s more for people to take a moment and enjoy the moments you have with family and friends.

“So, basically, that’s it. If you have a moment of your time right now, just go to your mom, dad, your, grandpa, your lola, and say, ‘I love you’ to them. Enjoy them while they’re around,” sey pa ng binata.

Ang inaalala lang daw nila ngayon ay ang sitwasyon sa ospital dahil pa rin sa COVID-19 pandemic. Pero naniniwala si Xian na malalagpasan din nila ang pagsubok na ito.

“She’s still around, malakas pa naman siya. It’s just that, you know, may mga uncertainties in life, and there’s moments talaga na hindi natin nako-control, so don’t take time for granted.

“Don’t take time for granted and love your parents, love your grandparents, because all the money in the world, all the things that you have, wala ‘yang laban sa time.

“So just please reach out to your family now and just give them a hug and say, ‘I love you.’”

Pagpapatuloy pa niya sa bandang huli ng video, “The grandma is okay, this is not a farewell video. I just want share something.

“I barely share anything. I’m a closed person, pero yun nga, sa lahat ng nangyayari, just want to share some positivity to my viewers,” mensahe pa niya sa lahat ng nanonood sa kanyang video.

Read more...