Pokwang swerte sa gitna ng pandemya: Awa ng Diyos at nakakaluwag-luwag po ulit

KUNG may isang dating Kapamilya star na inuulan ng blessings ngayong panahon ng pandemya, yan ay walang iba kundi si Pokwang.

Imagine, bukod sa kanyang mga endorsements, dalawa agad ang ibinigay na programa sa kanya ng TV5. Kaya naman feeling blessed at feeling grateful ngayon ang komedyana.

Isa si Pokey sa mga host ng morning tallshow ng Kapatid Network na “Chika BESH” at siya rin ang partner ni Jose Manalo sa game show na “Fill In The Bank.”

Kaya naman inamin ng komedyana na kahit may health crisis ngayon at maraming nawalan ng trabaho sa showbiz ay nakakaluwag-luwag pa rin naman daw siya.

“Awa ng Diyos, dahil kay Lord, di ba? Very blessed ako na sa panahong ito may hanap-buhay ako. Thank you at nakakaluwag-luwag po ulit,” ang chika ni Pokwang sa nakaraang online presscon ng TV5 para sa mga bago nilang game show, ito ngang “Fill in the Bank” at “Bawal na Game Show” with Wally Bayola and Paolo Ballesteros.

Samantala, aminado rin si Pokwang na nahihirapan pa rin siyang mag-adjust sa “new normal” ng buhay ng mga Pinoy dulot ng COVID.

“Ako, to be honest, hindi pa ako masyadong nakaka-adjust talaga. Alam n’yo naman ang mga komedyante malilikot kami. Pag nagkikita-kita kami sanay na nagpipisikalan kami.

“So, ang hirap, lalo na pag nakikita mo yung mga kaibigan mo na gusto mong yakapin. Pero iisipin mo pa ring maging responsable ka, kasi hindi puwede na ikaw lang yung maligtas kasi siyempre lahat may mga pamilya. Lahat nag-risk na magtrabaho.

“Ang hirap pa rin. Pero siyempre kapag inisip mo na meron kang responsibilidad kailangan mo talagang mag-adjust ng boggang-bongga hangga’t walang cure, walang ano. Iisipin mo yung responsibilidad mo bilang tao, bilang mamamayan,” paliwanag ng komedyana.

Handa ba siya sakaling tumagal pa ng ilang buwan ang community quarantine? “Well, kailangan din nating isipin yon, I mean, ipagdasal na lang natin na sana matapos na ito, di ba? Pero kailangang nakahanda ka rin, nakahanda ka rin kung ano’t anuman yung mangyayari, di ba?”

Sa tanong naman kung may pagbabago ba sa kanya pagdating sa pagkokomedya? “As a comedian, lalo na sa pinagdadaanan natin ngayon, ang hirap magbitaw kasi ngayon ng joke, kaya be sensitive. Siyempre, hindi mo puwedeng i-joke yung mga nagkasakit, ang hirap di ba?

“Minsan sa bahay, gusto kong tumawa, gusto kong ano, yung mga kasambahay ko baka nalulungkot kasi iniisip nila yung mga pamilya nila. Kasi sa bahay makulit din talaga ako, eh.

“Yung mga kasambahay ko dyino-joke ko yan, pero sa nangyayari ngayon inaalam ko muna, ‘Day, kailangan mo bang bumale? So kapag nakita kong good mood sila saka ko sila idyo-joke, ganu’n,” pahayag pa ni Pokey.

Read more...