Paolo sa ‘AngBoxing’ paandar sa YouTube: Malamang isipin n’yo sobrang walang kwenta ‘to

IBANG klase rin talagang humirit at magpaandar ang Kapuso actor na si Paolo Contis.

Hindi nawawalan ng twists and turns ang mga vlog ng magaling na comedian sa kanyang YouTube channel.

Kung ang madalas na ginagawa ng mga vloggers ngayon sa kanilang channel ay ang walang kamatayang “unboxing videos,” naisip naman ni Paolo na pausuhin ang tinawag niyang “AngBoxing”.

“Alam ninyo noong mga nakaraang araw, nahirapan akong mag-isip ng mga bagong content kasi nauubusan tayo.

“So, nag-decide ako na tumingin ng ibang content at ano ‘yung ginagawa ng mga tao.

“Naisip ko, e, medyo sikat ‘yung unboxing. Pero siyempre, hindi ko naman kayang gumaya masyado sa mga unboxing kaya naisipan ko na gumawa ng content na AngBoxing.

“Itong AngBoxing ay wala lang na content. Ikakahon ko lang ‘yung mga gamit-gamit — ‘yun na ‘yung AngBoxing,” paliwanag ni Paolo sa kanyang vlog.

Para sa kanyang unang AngBoxing video, ang kanyang Infinity Gauntlet mula sa Marvel Cinematic Universe na “The Avengers” ang ikinahon ng partner ni LJ Reyes.

Ibinahagi rin ng “Bubble Gang” at “All-Out Sundays” mainstay ang dahilan kung bakit niya ito ibinalik sa tamang lalagyan.

“Alam n’yo, malamang iisipin niyo na sobrang walang kwenta ‘yung content but kaya ginawa ko ito kasi maraming times na hinihingi ito ni Aki.

“Hindi ko ibinibigay kasi sabi ko sa kanya, ‘Patunayan mo muna na kaya mong mag-alaga ng gamit,’” lahad ng comedian.

Dugtong pa niya, “So he asked if he can have it and I think it’s time.”

Bukod sa mga nakakaaliw at kakaibang gimik ni Paolo sa YouTube, bentang-benta rin ang mga video nila ng kanyang anak na si Summer.

Bata pa lang kasi ang panganay nila ni LJ ay nagpapamalas na agad ng interes sa showbiz. Talagang akting na akting ang bagets kapag nasa harap ng camera.

Read more...