Resto ni Kris 3 buwan hindi kumita, pero tuloy ang bayad sa renta at pasweldo sa 18 empleyado

MAHIGIT tatlong buwan din palang sarado ang restaurant ni Kris Bernal dulot pa rin ng ipinatutupad na community quarantine.

Pero ayon sa Kapuso actress, kahit walang kinikita ang mga negosyo niya ay tuloy pa rin ang pagpapasweldo sa kanyang mga empleyado.

“House of Gogi had to close for 3 months or more to adhere with the ECQ guidelines.

“It greatly affected the volume of sales. I still pay for the monthly rental fees and support my 18 employees,” pahayag ng dalaga na talagang hinangaan ng netizens ang pagiging makatao.

Aniya, paraan daw niya ito upang kahit papaano ay makatulong sa gitna ng krisis.

 “For me, it’s extremely important to have employees that are able to keep their jobs.

“From a personal standpoint, I believe in helping people as much as I can, and the last thing that I would want to have to do is put someone in a position where they would potentially lose their job and not be able to pay bills or buy essential goods,” paliwanag pa ng Kapuso drama actress.

Dahil dito marami ang nagsasabi na pagpapalain si Kris at ibabalik sa kanya ng Diyos ang kabaitan niya sa kapwa lalo na ngayong panahong halos wala nang pinagkakakitaan ang karamihan sa mga Pinoy.

Isa nga raw sa natutunan ni Kris sa gitna ng pandemya ay ang maingat na paghawak ng pera.

 “I’m becoming smarter with my expenses. I used to be an impulsive buyer. Today, before I buy something that is not essential, I get back to the item for 5-7 days and assess if I still want it.

“I am careful about online shopping and try my best to resist the temptation to overspend,” chika pa ng Kapuso star.

May payo rin siya sa mga tulad niyang negosyante “Since everyone is into online, adjust into the new norm.

“Focus less on what you’re used to doing and more on what people need. Be resourceful with supplies and make everything minimalist,” dagdag pa niyang tip sa mga nagsisimulang online sellers.

Samantala, si Kris naman ang bibida sa bagong episode ng “Wish Ko Lang” ngayong Sabado (Aug. 29). Makakasama niya rito sina Biboy Ramirez, Ahron Villena at Barbara Miguel.

Read more...