Bentang-benta ngayon ang turmeric dahil sa madami raw nitong health benefits. Luyang dilaw kung tawagin sa Katagalugan, ang turmeric ay paborito ring sangkap sa mga lutuin sa Pilipinas at sa iba pang bansa sa Asya at ito ang nagbibigay ng dilaw na kulay sa curry.
Marami umano itong benepisyong pangkalusugan at sinasabing tumutulong magpagaling ng rayuma, pamamaga, nagpapabagal sa pagtanda, at iba pa.
Pero ano kaya ang resulta kung gagamitin mo ito sa pusa?
Sa Thailand, isang babae, si Thammapa Supamas, ang sumubok gamutin ang fungal infection ng kayang alagang pusa sa pamamagitan ng turmeric.
Gamit ang lumang toothbrush, ipinahid ni Thammapa ang turmeric sa mabalahibong katawan ng pusa.
Matapos niya itong i-post sa social media, kaagad na sumikat ang alaga ni Thammapa.
At sa matingkad niyang dilaw na kulay, ilang netizens ang nagsabing kamukha na niya ang anime character na si Pikachu.
Gumaling naman kaya ang sakit sa balat ng dilawang muning? Hindi pa natin ito alam.
May isa pang hindi sigurado: Babalik pa ba ang dating kulay puting balahibo ni “Pikachu”?