PNoy siniguro ang ayuda sa mga OFWs galing Egypt
SINIGURO ni Pangulong Aquino na bibigyan ng gobyerno ng ayuda ang mga overseas Filipino workers na mapapauwi mula sa Egypt matapos itaas sa alert level 4 ang sitwasyon sa naturang bansa. “(Labor) Secretary (Rosalinda) Baldoz, I’m sure, will be preparing to assist them together with TESDA and other government entities to impart the necessary skills for reintegration,” sabi ni Aquino sa isang ambush interview sa Mandaluyong Elementary School Miyerkules ng umaga. Idinagdag ni Aquino na nagpadala na ang gobyerno ng inisyal na $240,000 sa Cairo Embassy para gamitin sa pagpapauwi ng mga OFWs na tinatayang aabot mula 5,000 hanggang 6,000 OFWs. “Initially, there are only five who are coming home today at marami ang nagre-resist (dahil) ayaw raw nila mawala ‘yunng trabaho nila, especially for those who are working. But the situation is really serious. We will not call for level 4, which is forced repatriation and I’m sure the embassy in Egypt has been preparing for this, and has been actively trying to encourage our countrymen to ensure their safety to leave Egypt at this time,” dagdag ni Aquino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.