Ai Ai na-shock sa ginawa ni Sandara Park: Sorry sa istorbo baby girl

 

 

PURING-PURI ni Ai Ai delas Alas ang Korean star at dating Kapamilya actress-singer na si Sandara Park.

Tuwang-tuwa ang Comedy Concert Queen nang makita niyang nag-reply sa Instagram message niya si Sandara.

“Sobrang ang saya saya ko…kasi follow ko si Kim Soo Hyun nung isang araw tapos nakita ko name ni Sandara kaya follow ko sya,” ang simulang caption ni Ai Ai sa ipinost niyang screenshot ng naging conversation nila ng Korean star.

Pagpapatuloy pa ng Kapuso comedienne, “Kinamusta ko sya nagulat ako sumagot kasi super sikat na sikat na sya sa korea icon na nga sya.

“Pero napakabait pa rin na bata… may opo pa din sumagot,” chika pa ni Ai Ai sa kanyang Instagram post.

Ayon pa sa komedyana, mas lalo pang tumaas ang respeto at paghanga niya kay Sandara nang mapatunayan na napaka-humble pa rin ng dalaga kahit sikat na sikat na ito sa Korea.

“Baby girl salamat sa tsika at salamat napaka bait mo pa ding bata… may GOD BLESS YOU MORE AND MORE … take care always be safe and i love you baby girl.

“Sorry sa storbo para kay mang tae doll.. hahaha tawa sya saken ako din bigla oo nga ano ba yan nakita ko kasi kay gabbi garcia natuwa ako… basta thank you sa kabaitan mo @daraxxi,” pahayag pa ni Ai Ai.

Isa si Sandara sa mga naging contestants sa reality talent search noon ng ABS-CBN na Star Circle Quest.

Sumikat ang dalaga nang pagtambalin sila ng SCQ winner na si Hero Angeles. Nakagawa sila noon ng ilang pelikula sa Star Cinema hanggang sa magdesisyon si Sandara na bumalik sa South Korea kung saan sumikat din siya nang bonggang-bongga.

Read more...