Sa nakaraang birthday Zoom party ni Mother Lily Monteverde ay nabanggit ng GMA executive na si Ms Annette Gozon-Valdes ang mga plano nilang projects para sa new normal sa entertainment industry.
Ani Ms. Annette ang mga susunod nilang TV series ay magtatagal na lang ng isang linggo hindi katulad dati na inaabot ng isang season o apat na buwan.
Kuwento ng GMA executive kina Mother Lily at Ms. Roselle Monteverde, “Mayroon kaming ilo-launch na weekly soap para kayang i-manage ang taping na iba-iba ang actors per week.
“Ang hirap kasi ng tuluy-tuloy (taping) kasi baka may mangyari mag-stop taping ng for airing, di ba?” aniya.
Oo nga tulad nang nagyari ngayong COVID-19 pandemic ay ilang buwang nahinto ang tapings ng mga teleserye nila na hindi rin naman pupuwedeng ituloy ang airing dahil wala na silang bangko kaya ang iba ay puro replays.
Sabi pa ni Ms. Annette, “Dapat sana babalik na kami this month (Agosto), kaso biglang nag MECQ kaya lahat ng locations nag-cancel.”
Pero sa darating na Setyembre ay balik-taping na ang Prima Donnas at 40 days silang lock in at sa Oktubre na ipalalabas ang fresh episodes at replay ng 9 weeks ang nasabing serye.
Maging ang seryeng Descendants of the Sun nina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado ay balik-taping na rin dahil ipalalabas na rin ito sa Netflix.
Sa katunayan, naghahanda na raw ang produksyon ng DOTS PH para sa mga malalaking eksenang susunod nilang kukunan.
Kaya naman siguradong excited na ang mga bida ng serye na sina Dingdong Dantes at Jennylyn Mercado sa pagbabalik nila sa taping at tiyak naman daw na susundin nila ang lahat ng health protocols sa kanilang location.