Senator Bong Revilla may pneumonia pa rin pero bumubuti na ang kondisyon

Bumubuti na ang kondisyon ni Senator Bong Revilla Jr.

Sa update mula kay Bacoor City Mayor Lani Mercado-Revilla, sinabi nitong may pneumonia pa rin ang senador.

Pero mas mabuti na aniya ang lagay nito sa ngayon.

Sinabi ng alkalde na paminsan-minsan ay nauubo pa din ang senador kapag nagsasalilta kaya kailangan pa rin nitong magpahinga.

“Salamat po sa lahat ng inyong mga dasal. Bumubuti ang lagay ng aking asawa. He still has pneumonia. He occasionally coughs when he talks and still needs to rest,” ayon kay Mayor Lani.

Hiniling muli ng alkalde ang dasal para sa kaniyang asawa.

Nagpasalamat din ito sa ga duktor at nurse na kumakailanga sa senador.

“Please continue to pray for him. He still has to continue taking his meds and antibiotics. Thanks to all of his doctors and nurses. Tuloy pa rin ang Laban natin. We ❤️  you Papa!!!” ayon pa kay Lani Revilla.

 

Read more...