NAGING mahalagang bahagi pala sa relasyon nina Philmar Alipayo at Andi Eigenmann ang gulay na “pechay.”
Ito ang ipinahiwatig ng magaling na surfer sa ipinost niyang throwback photo nila ni Andi sa Instagram.
Makikita sa litrato si Philmar na katabi si Andi na tila kilig na kilig habang hawak ang isang bungkos ng pechay.
“Ato first pic! Remember I give you pichay instead of a flower. Mingaw nako sa imo mahal ko (Ang unang pic natin! Remember I gave you pechay instead of a flower. Miss na kita mahal ko),” caption ni Philmar sa kanyang IG post.
In fairness, ang daming kinilig sa paandar ni Philmar na pinusuan at ni-like ng libu-libong netizens.
Siguradong miss na miss na ng magdyowa ang isa’t isa dahil matagal-tagal na rin silang LDR (long distance relationship) dahil sa community quarantine dulot ng pandemya.
Stranded ngayon sa Manila ang aktres kasama ang kanyang mga anak habang si Philmar naman ay nasa Siargao.
Kamakailan, inamin ni Andi na super miss na niya ang kanyang partner lalo na nu’ng nag-birthday ito. Sa kanyang IG post, binati niya ang dyowang surfer kung saan pinuri niya ang pagiging responsableng ama nito.
“Malipajun na katauhan sa ako one and only mahal (Maligayang kaarawan sa aking one and only mahal)! I am so grateful to be living life to the fullest with you! I am truly lucky to have you as a partner, and as such an awesome dad to the kids!” ani Andi.
“I hope slowly achieving our dreams together will be a wonderful gift for you, especially because we are sad not to celebrate your day with you this year. Dili na kami makahoyat mobalik sa isla pohon para makaiban na kaw mahal (Hindi na kami makapaghintay na bumalik sa isla sa lalong madaling panahon para makasama ka na mahal)! We miss you sooo much, and we love you!” mensahe pa ng aktres.